Chapterer 34 Jasmine Sa lahat ng mga pagsubok sa buhay ko ay lalo akong naging matatag. Sa lahat ng pinagdaanan ko kailangan akong tumayo at magpakatatag alang-alang sa mga anak ko sa asawa ko at higit sa lahat sa saril ko. Ayaw ko ng masiraan ng bait kailangan kong lumaban sa buhay at harapin ang lahat ng pagsubok na ibibigay sa akin. Kahit na minsan ay masasabi mong hindi patas ang buhay. Hindi ba puwede na maging masaya na lang palagi? Pero sa lahat pagsubok ay may makuha kang aral. Kahit minsan ay pagod ka na sa buhay na ganito ngunit kailangan mong lumaban sa hamon ng buhay. "Jasmine, tara na umuwi na tayo. Dalaw-dalawin na lang natin ang Mommy at Daddy mo rito," yaya ni Daddy Sam. "Alam ba ni Mike, na wala na ang Mommy at Daddy?" tanong ko. "Hindi pa, Iha. At tiyak masasakta