Chapter 50 Mike Pagkatapos kong magtupi ay inilagay ko na iyon sa mga lalagyanan namin ng damit. Gabi na rin noon at nakapaghapunan na kami. Habang nasa kama kami ni Jasmine ay gusto ko siyang kumprontahin tungkol sa annulment paper. Gusto ko sana sabihin niya sa akin pero nag-aalangan akong tanungin siya. Nakahiga siya at tinitingnan ako. "Napagod ka ba?" ngisi niyang tanong sa akin. Hindi ako umimik. Naiisip ko kung anong klaseng babae siya at bakit wala siyang binabanggit tungkol sa kambal. "Jasmine, sa pitong taon ba nating pagsasama ay lagi akong sumusunod sa mga gusto mo?" tanong ko. Ngumiti siya. "Oo, lagi mo akong sinusunod. Saka lagi mo ako inaalagaan. Bakit mo naman naitanong?" "Wala lang, sa pitong taon ba nating pagsasama ay wala tayong naging anak?" tanong ko.