Chapterer 25 Mike Pagkatapos kong makipag-meeting sa mga empleyado sa pabrika ay agad akong nagtungo sa office para asikasuhin ang mga dapat kong asikasuhin. Pina-cancel ko na muna ang meeting ni Jasmine sa mga investor dahil sino ba naman ang mag-aakala na tinakasan ako ng asawa ko. Pagdating ko sa office ay tinatawagan ko ang number niya pero out of coverage area ito. Tinawagan ko si Tita Ann at baka naroon na ang asawa ko sa bahay dahil ang sabi niya sa sulat sumakit ang tiyan niya. Kring.... Kring... "Hello, Iho. napatawag ka?" tanong ni Tita sa kabilang linya. "Kamusta ang mga bata, Tita? Nariyan na ba si Jasmine?" tanong ko. "Ayos naman ang mga bata, Mike. May tutor sila ngayon kaya nasa library sila. Si Baby Josh, pinapaliguan ni Roshel. Si Jasmine, 'di ba magkasama kayo?