Chapter 41 Mike Nasa hapagkainan kami ngayon ng asawa ko. Hindi niya ako iniimik. Siguro ay nagtatampo ito sa sinabi ko kanina na hindi ko siya mahal. Hindi ko rin naman alam kung bakit may sama ng loob akong naararamdaman para sa kaniya. Pero sa kabila no'n ay hindi ko rin naman maaintindihan ang nararamdaman ko. Nagmamahalan ba kami ng babaeng ito? Ayaw ko na rin muna sana magtanong sa kaniya kung paano kami ikinasal? At kung ano ang naging buhay namin sa loob ng pitong taon na pagsasama namin. "Ano ang trabaho mo?" tanong ko sa kaniya. Masakit naman niya akong tiningnan. "Sa club ako nagta-trabaho. Bakit my likramo ka?" Muntik na akong mabulunan sa sagot niya, Kaya agad akong uminom ng tubig at seryosong tintigan siya. "What!? Seryoso ka ba?" kunot noo kong tanong sa kaniya.