Chapter 54 Mike Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa asawa ko. Lalo akong nainis noong umalis siya at ang iksi pa ng suot niya. Saka kinakampihan pa siya ni Daddy. Ang hirap kapag wala akong naalala sa na karaan namin. Sa totoo lang ay nasasakan ako tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Ngunit ang pride ko pa rin ang umiiral. Gusto ko na talaga maalala ang nakaraan. Nang tumalikod siya ay para akong nanlumo dahil sa mga sinasabi niya. Kung totoo man ang sinabi niya ay napakalaki kung gago na magawa iyon sa kaniya. Nagtungo ako sa bintana para pagmasdan ang buwan. Ngunit ang asawa ko ang nkita kong naliligo sa swimming pool. Ang ganda niya pagmasdan habang lumalangoy sa tubig nanaka-twopieces lang siya. Ang ganda pa rin ng hubog ng katawan niya. Kahit na apat na ang ana