Chapter 22 Mike Hinaplos ko ang buhok niya. Ang suwerte ko dahil ako ang asawa niya. Maliban sa maganda siya, sexy, maputi, makinis at magaling rin sa kama ay maalaga siya. Lalo na sa mga anak namin. Kahit na minsan ay nasusungitan niya ang mga bata pero alam kong mahal niya ang mga ito. Halos ayaw ko na mawalay sa asawa ko. Mahal na mahal ko si Jasmine, ,aya gawin ko ang lahat upang mapaligaya siya at bumawi sa mga panahong sinaktan ko siya. Lumipas ang ilang oras ay mag-aalasdos na ng madaling araw tumawag naman si Janzel sa cellphone ko. "Hello, Pare? Anong room ng asawa ko? Narito na ako sa labas ng hospital. Papasok na ako," tarantang tanong ni Janzel sa kabilang linya. "Nasa emergency room pa rin siya at hindi puwede makapasok roon. Narito kami ni Jasmine sa silid na pina-