Episode 56

1752 Words

Chapter 56 Jasmine Nagising na lang ako na nakabihis na ang asawa ko. Kaya dali-dali rin ako bumangon nang sa gano'n ay masamahan ko siya sa opisina. Kahit na masama ang loob ko sa kaniya ay hindi ko siya puwede pabayaan na mag-isang umalis. Natakot ako na baka hindi na siya bumalik sa amin ng mga anak namin. Tulad noong nagising na lang ako noong sa Hacienda kami na wala siya sa tabi ko. Para akong tanga na naghanap sa kaniya sa buong Hacienda. Mangiyak-ngiyak na ako noon na hinahanap siya. 'Yon pala ay pumunta na siya ng Maynila. Subra niya akong pinakaba. Mabuti at tumawag sa akin noon si Tita na nasa Mansyon ang asawa ko. Kaya dali-dali akong umalis noon at bumalik ng Maynila at iniwan ko na lang ang bahay kay Tiya Cora. Pagdating ko sa Maynila ay sa hospital na ang daretso ko d

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD