Chapter 15 Jasmine Biglang tumingin sa akin ang babae at nanlaki ang mga mata nito nang makita ako. At gano'n rin ako nang mamukhaan ko siya. "Ikaw!?" sabay bigkas naming dalawa sa isa't isa. Halos maluwa ang mata dito sa akin. "How dare you! What are you doing here? Dont tell me na secretary ka ni Mike?" duro pa nito sa akin sa mataas na boses. Saka tumingin ito kay Mike. "Hi, Mike. How are you? Long time no see. Secretary mo ba ang tangang 'yan?" tanong pa niya sa asawa ko na siyang nagpainit lalo ng ulo ko. "And what if im his secretary, hum? May problema ka ba kung secretary niya ako? At kung tanga ako! Mas tanga ka!" galit kong bulyaw sa kaniya. "See? Baka hindi mo narinig na ako ang bagong Presedent dito sa kumpanya at ano mang oras ay kaya kitang ipatanggal dito," pagmama