TILL HELL FREEZES OVER "What are you all doing here? Where's Mama?" tanong ni Anthony sa mga kaibigan nito na naabutan naming nakatambay sa patio ng mansyon pag-uwi namin galing silungan. Inabutan na kasi kami ng hapon dahil inasikaso pa ni Anthony ang ibang gawain nito sa bakahan. I looked at them with fascination. They're all in their jerseys and sports shoes. Sa likod kasi ng mansyon ay may basketball court. Now I know kung anong purpose nun. Pinagawa siguro ni Señora for Anthony's friends para may mapaglibangan sila pag nagbabakasyon dito. Pawis na ang mga ito at mukhang kakatapos lang maglaro. Pero kahit ganun ay hindi pa rin kabawasan iyon sa kanilang kgwapuhan. "Auntie is having her nap, bro. What took you so long? Kanina ka pa namin hinihintay." Lawrence spoke first. "Sorry,