GOOD NIGHT KISS Ilang araw ang dumaan magmula nun ay walang Anthony akong nakikita. Ang kwento sa akin ni Baleleng, isa sa kasambahay ng mga Dela Silva, lumuwas pala ito sa Davao City dahil may office din ito doon. Sadyang napakabusy pala ni Anthony. At aaminin kong namimiss ko rin ang taong yun. Payapa ang mga araw ko dahil wala siya physically. Pero ginagambala naman nito ang isipan ko kada minutong lumilipas. Nagring ang phone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag. I sighed nang makita kung sino. "Hello ate." "Isay! Bakit hindi mo sinasagot mga messages ko. Pati e-mails ko dedma mo rin. Ano na bang nagyayari sa'yo?" Singhal ni ate. Inlayo ko ang phone sa tenga ko sa lakas ng boses nito. Wow. Ang gandang pambungad naman nun. "I'm fine ate. May trabaho na