"HOY! Mare, ikaw huh!" anang Awra na nakabuntot din pala kay Devee habang naglalakad ito papunta sa kaniyang apartment.
Kunot noo itong nilingon ng dalaga. "Huh? Ano'ng ako?" nag tatakang tanong ng dalaga.
"Sos! Kunwari ka pa. Kayo ba ni baby Keiedrian ko?" tanong nito na siyang naging dahilan ng mas lalong pagsasalubong ng mga kilay ni Devee. "Don't deny it girl! Kitang-kita ko kanina kung paano tumitig at ngumiti sa `yo ang baby ko." dagdag pa nito.
"Iyang bibig mo bakla bawas-bawasan mo ang pagiging chismosa huh! Baka mamaya niyan may makarinig sa `yo at maniwalang totoo. E 'di mas lalo akong pinag-initan ni Aling Barbara." naiiritang saad nito `tsaka nag tuloy na sa kaniyang paglalakad.
"Nako! Devee, dalaga rin ako kung kaya't alam ko `yang deny feelings mo." muling turan ni Awra pagkuwa'y inirapan nag dalaga. "Kaya pala kung makatanggol sa `yo ang baby Keiedrian ko sa future modrabells ko, wagas." dagdag pa nito `tsaka humalukipkip sa gilid nang maliit na gate sa apartment ng dalaga.
"Ewan ko sa `yo bakla. `Tsaka fyi lang, binata ka hindi ka dalaga. Mahiya ka naman." natatawang saad ni Devee.
Bigla naman nasira ang hitsura ni Awra dahil sa pagtawag ni Devee sa kaniya ng binata. "Lokaret ka! Kung hindi ka lang mas maganda kaysa sa `kin sasabunutan kita diyan." anito. "Good night mare." `tsaka ito pakimbot-kimbot na naglakad papalayo.
Napapailing na lamang ang dalaga na pumasok sa kaniyang apartment. Nang mailapag sa sofa ang bitbit na bag ay kaagad siyang nag diretso sa banyo upang mag linis ng katawan at para makapagpahinga na rin siya. Inaantok na siya. Kailangan niya ring gumising ng maaga bukas para mag hanap muli ng maa-apply-an ng trabaho. Tutal at busog naman na siya dahil madaming in-order na pagkain si Kelly kanina, hindi niya na kailangan mag saing at kumain ulit. Dala na rin siguro ng pagod buong mag hapon, agad na hinila ng kaniyang antok si Devee nang makasampa siya sa kaniyang higaan.
Bandang alas sinco y medya pa lang kinabukasan ay nagising na si Devee. Pagkatapos maligo ay nag tungo siya sa kanto para bumili ng pandesal at kape para sa umagahan niya. Pagkatapos niyang kumain ay inayos na rin niya ang kaniyang mga gamit na dadalhin sa pag gayak. Bandang alas sais y medya ay umalis na rin siya sa bahay na inuupahan niya. Panigurado si Devee na sobrang traffic na naman ang umagang iyon at mahihirapan na naman siyang sumakay ng jeep.
Kung saan-saan siya nag punta para mag bigay ng kaniyang Resume at Bio Data. Nananakit na rin ang kaniyang paa sa kakalakad. Pero okay lang! Kakayanin, para lang makahanap ng trabaho. Iyon ang nakatatak sa isipan ni Devee.
Mayamaya, sa gitna ng kaniyang paglalakad ay biglang kumalam ang kaniyang sikmura. Tagaktak ang pawis sa noo'y mabilis nitong sinilip ang oras sa relong nasa bisig niya. Mag aala una na pala ng hapon. Kaya pala nag rereklamo na ang kaniyang tiyan. Mabilis nitong inilibot ang paningin sa paligid. Nahagip naman ng kaniyang mga mata ang isang karenderya na nasa 'di kalayuan. Dali-dali siyang naglakad palapit doon.
"Kakain po kayo ate?" tanong kay Devee no'ng isang babae na naka simangot.
Malinga-linga tuloy na sabihin niyang, hindi tatambay lang ako rito. Mainit pa man din ang kaniyang ulo dala sa sikat ng araw habang naglalakad siya kanina. At pinaka ayaw niya sa lahat ay ang nakasimangot na tao habang nag tatrabaho. Nakakawalang gana kasi. Dapat masaya lang para dumami pa ang customer. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Devee mayamaya `tsaka tumango sa babae.
"Pili po kayo kung ano ang ulam n'yo." saad nang isang babae na nag babantay sa mga pagkain. Buti pa ito nakangiti. Sa loob-loob ni Devee.
"A, `yong tortang talong ate, magkano?" tanong niya.
"Kinse po isa. Ilan po ba?"
"Isa lang. `Tsaka isang kanin. Puwedeng pahingi na rin ng sabaw kung okay lang?" nakangiting saad ng dalaga.
"Sige po! Maupo na po kayo doon at ihahatid na lang po." anang babae sa kaniya.
Kaagad din namang tumalima si Devee at naghanap ng lamesang mapupuwestuhan niya. Medyo matao kasi ang lugar. Karamihan na naroon ay mga driver ng jeep at tricycle.
Nang matanaw niya ang isang lamesa na bakante at nasa sulok ng kainan ay kaagad na naglakad papunta roon si Devee. Inilapag nito sa upuan ang dala-dala niyang bag at envelope. Mayamaya'y tinanggal din niya ang suot niyang doll shoes para kahit papaano ay makapag-relax ang kaniyang paa na kanina pa pagod kakalakad.
"Ito na po order n'yo ma'am." mayamaya ay saad nang binatilyo na nag dala ng kaniyang pagkain.
"Salamat." saad ni Devee habang nakangiti pa. Kaagad itong uminom ng tubig pagkatapos ay nilantakan ang pagkain niya. Wala, nag rereklamo na ang mga alaga niya sa sikmura e!
"Ate, isang kanin pa nga po rito." sigaw nang mamang Pulis na naka puwesto sa lamesang nasa tapat ng lamesa ni Devee. "Padalian lang po at nagugutom pa talaga ako." dagdag pa nito.
Mayamaya ay bigla ring nag salubong ang mga kilay ni Devee nang mapatingin sa kaniya ang pulis. Kumindat pa ito sa kaniya na siyang ikinangiwi naman ng dalaga.
Eww? Sa isip-isip ni Devee. Nako, kapag talaga mga pulis ay babaero. I mean, hindi ko naman nilalahat. May iba oo. Dagdag pa ng kaniyang isipan.
Inirapan lamang ito ng dalaga `tsaka muling itinuon ang atensyon sa pagkain niya.
"Chick bro. Tingnan mo." anang lalake na naka uniporme ng pang Pulis.
"Babaero ka talaga. Lahat na lang pinapansin mo." saad naman nang isang lalake na naka-civilian.
"Just look at her. Mukhang papasa sa standards mo." turan pa nito.
Saktong pag angat ng mukha ni Devee ay siya namang paglingon ng lalake sa gawi niya. Dahil naka-side view ang lalake'y hindi nakita ni Devee ng buo ang hitsura ng lalake.
"Tss! Not my type. Masyadong ordinaryo lang." sagot nito.
"Ordinary girl, unlike your ex." natatawa pang anito.
"Ate mag babayad ako." saad ni Devee nang matapos itong kumain.
"Sandali lang po ma'am." anang babae habang papalapit ito sa lamesa nang pulis. Pagkatapos nito roon ay `tsaka naman ito lumapit sa puwesto ni Devee.
"Ate magkano po sa `kin?" tanong ni Devee.
"Ay! Bayad na po kayo ma'am." aniya.
Awtomatiko namang napakunot ang noo ng dalaga dahil sa sinabi ng babae sa kaniya. "Ano po?"
"Binayaran na po ni Cheap ang kinain n'yo." anito at itinuro pa ang puwesto nang dalawang lalake.
Kaagad na napalingon doon si Devee. Ayon nga't nakatingin din sa direksyon niya ang lalakeng naka uniporme ng pang pulis. Kumindat na naman ito sa kaniya pagkuwa'y tumayo sa upuan nito. Naglakad palapit sa puwesto niya.
"Hi miss! Kevin pala. Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" tanong nito at kaagad na inilahad ang kamay sa dalaga.
Mas lalong nag salubong ang mga kilay ni Devee. Nanliliit ang mga matang pinakatitigan ito. Sa halip na tanggapin ang kamay nito'y pinagpalipat-lipat niya ang kaniyang paningin sa kamay at sa mukha ng pulis. Mayamaya ay tinarayan niya ito. Kinuha niya ang kaniyang bag at dinukot doon ang kaniyang wallet. Kumuha siya roon ng singkuwenta pesos. "Bayad ko sa kinain ko na binayaran mo. Salamat, pero hindi kasi ako nag papalibre sa hindi ko kakilala." mataray na saad niya sa lalake `tsaka iniabot ang pera dito. Pero hindi naman iyon tinanggap ng lalake.
"Okay! That's why I'm introducing myself to you." nakangiti pang saad nito. "I'm Kevin Dela Serna. So, now kilala mo na ako. Mag papalibre ka na ba?" tanong nito.
Mabilis pa sa alas kuwatrong lumipad sa ere ang isang kilay ni Devee at tinitigan ng masama ang lalake. Guwapo ka sana sir, kaso lang mukha kang mayabang. Sa isip-isip ng dalaga. Nakataas ang isang kilay gayo'n din ang noo ng dalaga. "Keep the change." imbes ay saad ni Devee at inilapag sa lamesa ang perang bayad niya. Nagmamadali niyang isinukbit ang kaniyang bag pagkuwa'y tumalikod upang lisanin ang karenderyang iyon. Sayang `yong twenty five na sukli ko. Kinse lang naman ang tortang talong plus sampong kanin. Napapailing pang saad ng kaniyang isipan. Napapakamot na lamang siya sa ulo at muling ipinagpatuloy ang paglalakad palabas sa kainan na iyon.
"Nice meeting you miss sungit." dinig ni Devee na saad ng lalake. "May naiwan ka." mayamaya'y dagdag nito ngunit hindi naman iyon pinansin ng dalaga at nag tuloy-tuloy lamang sa paglalakad.
NOTE: Soon po ang continuation nito kapag may go signal na po ako sa editor ko! Hope abangan ninyo. Thank you po!