PAGKAGISING ni Devee kinabukasan ay hindi niya nasilayan agad ang mukha ng lalakeng iniyakan niya sa nag daang gabi. Ang akala niya nasa tabi niya pa ito, dahil hindi naman ito umalis kagabi sa kuwartong iyon. Baka maagang nagising at lumabas agad. Anang isipan niya habang nakatitig sa puting kisame. Mayamaya ay muli na namang sumagi sa isipan niya ang boses ng babae na sumagot sa cellphone ni Ericjan kagabi. Hanggang ngayon ay napapa-isip pa rin siya kung ano ang babae ng kaniyang nobyo. At ang Ericjan naman, ni hindi manlang nagpaliwanag sa kaniya kung kabit ba nito ang babae o ano? Hindi ba nito alam na tumawag siya kagabi at iba ang sumagot sa cellphone nito? Umagang-umaga ay napapabuntong-hininga siya ng mabigat. Kasing bigat ng nararamdaman ng kaniyang puso dahil sa pag-iisip na b