KANINA pa naglalakad sa beach si Ericjan para hanapin si Devee. Pero hindi niya naman ito mahagilap. Pagkatapos nilang bumili ng mga damit sa Department Store ay nag paalam itong babalik lang daw sa kuwarto niya para mag bihis, pero hindi naman ito bumalik sa puwesto dapat nila. "Tss! Where are you, Devee?" naiinip na tanong nito sa sarili pagkuwa'y tumigil sa paglalakad at muling inilibot ang paningin sa buong paligid. Mula sa 'di kalayuan ay natanaw niya ang isang bulto ng babae na pamilyar sa kaniya. Kunot noo niya itong tinitigan bago nagmamadaling lumapit doon. "Kelly?" nagtatakang sambit nito sa pangalan ng kaniyang pinsan. "Kuya... hey! How are you?" nakangiting tanong nito nang mag baling ito ng tingin sa binata. Agad itong lumapit sa kaniyang pinsan at yumapos. "Bakit hindi mo m