NILINGON ni Ericjan ang kaniyang asawa, nang makita nitong nakatayo lamang si Devee at nakatingin sa kanila ni Katrina, mabilis nitong tinanggal ang kamay ng babae sa braso nito at nagmamadaling bumalik sa kaniyang asawa. “Let's go wife!” anito at hinawakan sa kamay ang asawa at iginiya na palabas ng boutique. Ewan kung tama ang nakita ni Devee na tinaasan siya ng kilay ni Katrina nang magkaagapay na sila ng kaniyang asawa palabas. Hindi na lamang niya iyon pinansin hanggang sa makarating sila sa isang Restaurant na naroon lang din sa loob ng Mall. TAHIMIK lamang si Devee habang inuubserbahan ang mga kilos at salita ni Katrina. Kanina pa talaga siya nakakaramdam ng kakaibang kutob sa babaeng kasama nila ngayon. Ayaw niyang mag jump into conclusion dahil sa kakaibang nararamdaman niya