CHAPTER 5

2960 Words
"ANO ang nangyari sa 'yo bess?" takang tanong ni Kelly kay Devee nang makita nitong tumatakbo ang dalaga papalapit sa kaniya. "May humahabol ba sa 'yo?" dagdag pa nito. Hinihingal namang napaupo sa bakanteng silya si Devee. Sunod-sunod siyang umiling at mabilis na kinuha ang baso ng pineapple juice at ininom iyon. "W-wala!" "Wala? E, parang hinabol ka ng aso sa sobrang bilis ng takbo mo." anito na magkasalubong pa ang mga kilay. "Ano'ng nangyari? Nakakita ka ba ng multo sa banyo?" dagdag na tanong nitong muli. Diyos na mahabagin! Hindi multo ang nakita ko sa banyo kung alam mo lang Kelly. Sa isip-isip niya. Gusto niya sanang sabihin dito ang nangyari sa kaniya, pero panigurado siyang matatalakan siya nito kung kaya't nanahimik na lamang siya. "Huminga ka nga muna." anito. Sa halip na sundin ang sinabi ng kaniyang kaibigan, mabilis niyang iginala ang kaniyang paningin sa buong paligid. Nag aalala siya na baka nasundan siya ng lalake. "Okay ka lang ba talaga bess?" Tumango siya bilang tugon habang inililibot pa rin ang kaniyang paningin sa buong food court. Mayamaya, pagbaling niya ng kaniyang tingin sa gawing kaliwa niya'y ganoon na lamang ang panlalaki ng kaniyang mga mata nang makita ang lalake. Nagpapalinga-linga rin ito na halatang may hinahanap. Dahil sa kaba at takot niya na makita siya nito ay kaagad siyang napayuko sa kaniyang upuan. Halos mag sumiksik pa siya sa ilalim ng lamesa. "Hoy! Ano ba'ng nangyayari sa 'yo? Ano'ng ginagawa mo diyan bess?" naguguluhan ng tanong ni Kelly. "Shhh! Huwag kang maingay diyan. Huwag kang makulit." saway niya at bahagya pang sumilip sa gilid ng lamesa upang tingnan kung naroon pa ang lalake. "Dev—" "Teka lang! Huwag ka munang maingay." mabilis na saad niya habang nakatingin pa rin sa kinatatayuan ng lalake. Mayamaya ay dahan-dahan siyang umangat mula sa pinagtataguan at muling iginala ang paningin sa paligid. 'Tsaka lamang siya nakahinga ng maluwag nang umalis na ang lalake. Nakakunot naman ang noo ni Kelly nang mag baling siya ng tingin dito. Mabilis na sumilay ang ngiti sa mga labi niya pagkuwa'y nag peace sign dito. "Tss! Para kang ewan bess." anito. "Siguro napuno na ng hangin ang utak mo dahil sa kakangiti mo kanina. At isama pa na nalipasan ka na ng gutom mo. Halika na nga at kumain na tayo." saad na lamang nito at nag simula ng kumain. Habang kumakain ay hindi pa rin matahimik ang utak ni Devee. Kahit ano'ng saway niya sa kaniyang sarili ay paulit-ulit at kusa pa ring lumilitaw sa kaniyang imahenasyon ang mga nakita niya kanina sa loob ng banyo. Kahit pilit niyang ibinabaling sa ibang bagay ang kaniyang isipan ay doon pa rin ang bagsak niyon. Mayamaya'y nag-init ang magkabilang pisngi niya. Hindi niya man nakikita ang kaniyang sarili ngayon pero sigurado siyang kasing pula ng hinog na kamatis ang kaniyang pisngi sa mga sandaling iyon. "Ang laki..." "Huh? Ano'ng malaki bess?" "Yong hot dog malaki..." wala sa sariling saad niya habang nakatulala sa hot dog na kinakain nang bata na nasa kabilang lamesa lamang. Mabilis na nangunot ang noo ni Kelly. Nagtataka itong napatitig kay Devee at doon sa bata. "Hay nako! Devee Oliveros." napapailing na saad nito at nag patuloy na sa pagkain niya. Baka pati siya ay mahawa na sa kaniyang kaibigan. Panigurado siyang nalipasan nga ito ng gutom kanina. Pagkatapos nilang kumain ay nag pasiya na rin silang bumalik sa kanilang eskuwelahan. Kagaya kanina'y hindi pa rin matahimik ang utak ni Devee. Pakiramdam niya'y lutang pa rin siya. Sa buong maghapon na klase nila ay wala siya sa kaniyang sarili. Hanggang sa mga sandaling iyon ay ginugulo pa rin ang kaniyang imahenasyon dahil sa mga nakita niya kanina sa loob ng banyo sa mall. "OY! MARE, kanina pa kita tinatawag 'di mo naman ata ako nadidinig." ang maarteng boses ni Awra ang nagpabalik sa ulirat ni Devee nang lapitan siya nito at kalabitin sa braso. "Tatanga ka na lang ba riyan sa labas ng bahay mo? Umaabon na o!" anang bakla at pinasukob siya sa payong nito "Huh? A, e..." "Pinabibigay pala ni baby Keiedrian ko." anito. "Nakakaasar ka! Ikaw talaga ang binigyan ng pasalubong at wala manlang ako." reklamo nito at iniabot sa dalaga ang isang plastik na may lamang Durian. Malamang at galing iyon sa Davao dahil sa pagkakaalam niya ay umalis ang binata kahapon papuntang Davao kasama ang mama nito. "Huh? Bakit nag bigay pa?" "Chossy pa mars? Ayaw mo? Akin na lang!" "Sa 'yo na! Hindi naman ako mahilig diyan e!" saad niya 'tsaka binuksan ang gate ng kaniyang Apartment. Sumunod pa si Awra sa kaniya nang mag lakad siya palapit sa may pintuan. "Sure mare?" "Oo! Hindi naman ako kumakain niyan e! Sa 'yo na." saad niyang muli habang pinapasok ang susi sa keyhole. "Salamat!" nakangiting malandi pa ang bakla. "Makakain ko na rin ang durian ni baby Keiedrian ko. Siya sige at mauuna na ako. Salamat uli." "Welcome!" saad na lamang niya bago tuluyang pumasok sa loob ng kaniyang Apartment. Inilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang dalang bag 'tsaka pabagsak na umupo sa mahabang sofa. Pakiramdam niya talaga ay napakahaba ng araw niya ngayon. Napakahina ng pag usad ng oras. Nakakatamad. Mayamaya'y ipinikit niya ang kaniyang mga mata para saglit na umidlip tutal at maaga pa naman. Mamaya na lamang siya mag bibihis at kakain, medyo busog pa rin naman siya sa dami ng nakain niya kanina sa mall kasama si Kelly. You want my hotdog baby? Agad na napamulat siya ng kaniyang mga mata nang makita niya sa kaniyang utak ang imahe ng lalakeng iyon habang nakahubad-baro. Wala ni isang saplot sa katawan at nag sasayaw sa harapan niya habang tuwang-tuwa naman siyang nakaupo sa isang silya. You can touch me wherever you want... even my hot— "Ahhh! Inay! Itay! Patawad po! Hindi ko naman po sinasadya e!" wala sa sariling napasigaw siya pagkuwa'y sinabunutan ang sariling buhok. Diyos na mahabagin! Patawarin n'yo po ako. Hindi ko naman po sinasadyang makakita ng Hotdog e! Sa isip-isip ni Devee. Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin para mawala sa kaniyang isipan ang lalakeng iyon, maging ang bagay na iyon. Mayamaya ay mabilis siyang napatayo sa kaniyang puwesto at nagmamadaling kinuha ang kaniyang cellphone na nasa bag niya. Nag soundtrip siya habang naka-earphone. Mayamaya ay nanuod din siya ng palabas. Nag basa ng mga kumiks. Lahat-lahat na ay kaniyang ginawa upang mawala lamang sa kaniyang isipan ang nangyari kanina sa kaniya, pero iyon pa rin talaga ang lumalabas sa kaniyang utak. "Ahhh! Please! Please, mawala ka na." may pagsusumamo pang saad niya nang pagtingin niya sa kaniyang orasan at makitang mag a-alas tres na pala ng madaling araw pero ayon siya't parang baliw na at hindi mapakali. Hindi matahimik. Nagpakawala siya ng nalalim na buntong-hininga pagkuwa'y pabagsak na muling humiga sa sofa. KINABUKASAN ay bigla na lamang siyang napabalikwas ng bangon dahil sa malakas na tunog ng kaniyang alarm clock. Bahagya pa siyang nakaramdam ng pagkirot sa kaniyang sintido dahil sa pagkabigla. Hindi niya alam kung ano'ng oras na siya nakatulog kaninang madaling araw. At hindi niya rin maalala kung ano ba ang ginawa niya kanina para lamang dalawin siya ng kaniyang antok. "Devee! Bess buksan mo ang pinto." Agad siyang napalingon sa may pintuan nang marinig niya ang boses ni Kelly. Sa sala na rin pala siya nakatulog kagabi. "Bess!" muling sigaw ni Kelly habang sunod-sunod din ang pagkatok nito sa pinto. "Oo na! Nandiyan na!" inaantok pang naglakad siya papalapit sa pinto para pagbuksan ito. "Ang ingay mo! Kay aga-aga nangbubulabog ka na." "Ano'ng kay aga-aga?" mataray na tanong nito habang nakapamaywang pa. "Alas dyes na! Kaya nga pinuntahan kita rito dahil nag aalala ako sa 'yo. Baka kako may sakit ka kaya 'di ka nakapasok." anito at naglakad papasok sa pinto. Kunot noo namang napasunod si Devee sa dalaga. Alas dyes na? Tanong niya sa sarili 'tsaka muling tinapunan ng tingin ang wall clock. "Hala! Alas dyes na?" "Opo mahal na señorita! Absent ka po sa morning subjects natin." sagot ni Kelly. Nanglulumo at naiinis na napaupo na lamang siya sa sofa nang maalala niya ang naging dahilan kung bakit hindi siya nakatulog agad kagabi. Ang may kasalanan kung bakit hindi siya nagising ng maaga at makapasok sa eskuwela. Kasalanan kasi 'yon ng Hotdog e! Kung bakit kasi ayaw magpatulog. Sa loob-loob niya. "Ano ba'ng nangyayari sa 'yo bess? Kahapon ka pa ganiyan." nagtataka ng tanong ni Kelly. "Wala! Teka at maliligo lang ako. Sabay na tayong pumasok sa school." saad na lamang niya 'tsaka nagmamadali ng pumasok sa kaniyang kuwarto para maligo. "ARE YOU sure you will do this, bro?" tanong ng lalake sa kaibigan niya. "I don't have a choice! Unless, gusto kong mapahiya ang parents ko sa mga amigos at amigas nila." saad nito. "Alam mo naman na sa sobrang excitement ng mommy, kahit hindi naman ako seryoso kay Ingrid at wala akong balak na ipakilala siya sa kanila... ipinagmalaki agad ng mommy na ikakasal na ako. I didn't expect this to happen kaya bigla akong na pressured." aniya sa kaibigan. "My parents are so excited na maikasal na ako. Kailangan na raw nila ng apo." tumayo ito sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa mini bar at kumuha roon ng alak. Nag salin ito sa dalawang baso. "You sure about it?" tanong nitong muli. Isang masamang tingin naman ang ipinukol ng una sa kausap pagkuwa'y lumagok sa kopitang hawak nito. "Okay! Okay! You are hundred percent sure about it." natatawang saad nito sa kaibigan. "So, sino naman ang kukunin mong papalit sa puwesto ni Ingrid, para ipakilala sa parents mo?" Muling naglakad ang lalake palapit sa center table at may dinampot itong brown envelope roon 'tsaka iyon iniabot sa kaniyang kaibigan. Kunot ang noo na napatitig ang huli sa lalake bago tinanggap ang envelope. "Wait! I thought itinapon mo na 'to." anito habang binubuksan na iyon. "Devee Oliveros!" saad nito nang mabasa ang papel na naroon. "So, Devee pala ang pangalan niya. Look! Woaw! What a cute ID picture." anito at inisa-isang tiningnan ang mga papeles na naroon. Maging ang mga one-by-one, two-by-two ID pictures ng dalaga. "I want you to find her. As soon as possible." anito. Muling nangunot ang noo nito nang mag angat ng mukha para tingnan ang kaibigan. "Huh? Why me?" "Dahil ikaw lang ang makakatulong sa 'kin na mahanap siya." Mabilis na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga ang huli. "Okay!" saad nito. "But this time you need to pay me." turan pa nito. "What?" "Of course. This one is out of my—" "Okay fine!" mabilis na pinutol nito ang iba pang nais sabihin ng kaniyang kaibigan. Alam niya kasing mag de-demand itong lalo kapag tumutol pa siya. And wala naman siyang ibang puwedeng mahingan ng tulong kundi ito lang. "5K." "I'm not that cheap! You know me bro." "Mukhang pera." ang tanging nasambit nito at pabagsak na umupo sa malambot na sofa. "Kung bakit kasi hindi mo nalang suyuin si Ingrid para—" Agad itong natahimik nang mapansin ang muling pagsasalubong ng mga kilay ng una. Alam niya, sa ekspresyon ng mukha nito ngayon ay ayaw nitong pag usapan ang tungkol doon. "I'm sorry!" aniya. "Well, I'm gonna go. I will look for your Fake Fiancée!" anito at agad na nilisan ang lugar ng kaniyang kaibigan. Isang malalim na buntong-hininga naman ang pinakawalan nito bago inisang lagok ang natitirang alak sa kopita. "SO, KUMUSTA ang unang araw sa trabaho bess?" nakangiting tanong ni Kelly kay Devee nang puntahan nito ang kaibigan sa boutique ng kaniyang tita Yhanie. Pasado alas sais na rin ng gabi. Kung hindi pa nga siya sinabihan ng Ginang na mag break muna siya ay hindi pa niya malalaman na gabi na pala. Paano, sobrang dami ng customers niya kanina. Masyado siyang na busy kaka-assist sa mga ito. Pero okay lang din... masaya naman siya kahit medyo nakakapagod ang trabaho. "Masaya na nakakapagod." nakangiting sagot niya nang makaupo siya sa isang silya na nasa harap ng puwesto nito. "Good! Masasanay ka rin diyan." anang Kelly. "Oo nga e! 'Tsaka mabait talaga ang tita mo." kumento niya rito habang binubuksan niya ang dala nitong pagkain para sa kaniya. Its her favorite, brown cookies. Gawa iyon ni Kelly. Mahilig kasi itong mag bake at siyempre, siya ang taga-tikim. "Yes I know that!" saad nito. "And by the way, puwede ko rin pakiusapan si tita na mag advance ka sa sahod mo para may ipangbayad ka na kay aling Barbara next week." "Huwag!" mabilis na pagtutol niya rito. "Nakakahiya na Kelly! Baka sabihin ng tita mo umaabuso ako." aniya. "Tinanggap niya na nga ako rito na walang kahit ano'ng requirements e!" Totoo naman iyon. Nakakahiya na kung pati ang pag advance ng sahod niya ay gagawin pa niya. Parang ang kapal na ata ng mukha niya no'n. "Hindi naman ganoon si tita Yhanie, bess! Para lang kasi wala ka ng problema at—" "Huwag na Kelly!" giit pa niya. "Kaya ko naman mag hanap sa ibang paraan e! Actually, ginagawan ko na ng paraan. Makakabayad din ako kay aling Barbara next week." saad niya. "Sure ka bess?" "Kelly..." "Oo na!" pagsuko nito. Alam kasi nito na kapag tinawag niya ito sa pangalan nito ay seryoso na siya sa sinasabi niya. "Okay! Basta kung may maitutulong pa ako, just let me know." anito. "Sobra-sobra na 'yong naitulong mo sa 'kin bess! And I thank you for that. Babawi ako." "You're my bestfriend, so I don't have a choice but to help you." natatawang pagbibiro pa nito. Natawa na lamang din siya. "Yeah! You don't have any choice." Mayamaya ay naputol ang pag-uusap nilang dalawa ng tumunog ang cellphone nito. "I'm sorry bess! Kailangan ko ng umuwi. Hinahanap na ako ng mommy." "Oo sige! Mag iingat ka. Thank you uli sa cookies." "Mag ingat ka rin pauwi. Bye!" paalam nito matapos humalik sa pisngi ng kaibigan. Pagkatapos niyang magpahinga ay agad din siyang bumalik sa counter ng boutique para pumalit sa Ginang. Mangilan-ngilan na lamang ang customer kasi pasara na rin ang mall. NASA LABAS na siya ng mall at nag aabang ng Jeep na masasakyan pauwi. Pero mukhang minamalas ata siya ngayong gabi at inabot na siya ng mahigit isang oras pero wala pa rin siyang masakyan. Mayamaya ay bigla siyang napaatras sa gilid ng kalsada nang may biglang bumusena sa kaniyang likuran. Napapikit pa siya nang tumama sa kaniyang mata ang ilaw ng sasakyan. "Hi Miss Sungit! Gabi na nandito ka pa rin sa kalsada a!" anang lalake nang bumaba ang salamin ng sasakyan nito. Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay nang makilala ang lalake. Ito ang mayabang na Pulis na nag tapon ng kaniyang requirements. Tss! Sarap upakan e! Nag-iinit na naman ang dugo ko sa kaniya. Sa loob-loob niya. "Pakialam mo?" pagtataray na tanong niya. Tumawa ng pagak ang lalake. "Taray talaga!" anito. "Come at ihahatid na kita. Wala ng Jeep ang dumadaan dito kapag ganitong oras. Aabutin ka ng umaga kakahintay dito." saad nito na nakangisi pa ng nakakaloko. "Thanks but no thanks." saad niya at inirapan niya ito. Ayoko nga! Baka mamaya niyan, masamang tao pala 'to e! Kung saan pa ako dinala ng kumag na ito. Mamatay pa ako ng wala sa oras. "Come on! I'm not a bad guy. Nagmamagandang loob lang ako sa 'yo." saad nito. "Look, baka maabutan ka rin ng ulan dito." pangungumbinsi pa nito sa dalaga. Agad naman siyang napatingala sa langit nang mayamaya ay may pumatak ngang ulan sa pisngi niya. Paulan na nga. Tss! Malas talaga! Wala pa akong payong. Ah bahala na! Okay lang maligo ng ulan at least safe ako. "Wala naman akong balak na masamang gawin sa 'yo. I just wanted to help you Ms. Oliveros." saad nito na siyang naging dahilan upang muling mapatingin sa kaniya ang dalaga. Nangunot ang kaniyang noo at napatitig sa lalake. "Kilala mo ako?" tanong niya. "Yes!" walang kagatul-gatol na sagot nito. "Devee Oliveros. Am I right?" balik na tanong nito pagkuwa'y binuksan nito ang front seat para pasakayin ang dalaga sa mamahalin nitong sasakyan. Tatanggi pa sana siya nang bigla na lamang bumuhos ang malakas na ulan kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang mapasakay sa kotse nito. "Seatbelt ma'am!" anito bago pinaandar ang kaniyang sasakyan. "P-paano mo ako nakilala?" mayamaya ay tanong niya sa lalake. Bahagya pa niya itong nilingon. Nagbaling din ito ng tingin sa kaniya. Isang makalaglag panty na ngiti ang ibinigay nito kay Devee. Shit naman oh! Wala sa sariling saad ng kaniyang isipan. "Well, sabihin na lang natin na... stalker mo ako." anito at kumindat pa. Bigla namang kumabog ang puso ni Devee dahil sa sinabi nito. Kinabahan siya. Mayamaya ay biglang pumalatak ng tawa ang lalake. "Look at your face." anito. "Just kidding. Hindi mo ako stalker. You're not my type." saad pa nito. Napapabuntong-hininga na lamang na itinapon ni Devee ang kaniyang paningin sa labas ng bintana. Baka makarate niya lang ang hinayupak na lalakeng ito. Nako! Magaling pa man din siya sa karate. "We are here!" anang lalake. Nagtataka naman si Devee na nilingon ang lalake sa drivers seat. "Paano mong—" "I have powers. I can read minds." sagot nito hindi pa man natatapos sa pagsasalita ang dalaga. Kumindat na naman ito. "Goodnight Ms. Sungit. See you around." anito. Napapabuntong-hininga na lamang si Devee na binuksan ang pinto na nasa tabi niya 'tsaka bumaba sa kotse. "Masiraan sana ang kotse mo!" "Grabe naman! Inihatid na nga kita ng libre tapos 'yon pa ang sasabihin mo." "Che!" aniya at nagmamadali na siyang naglakad palayo. Naiinis talaga siya sa lalake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD