"HOY! Nakatulala ka na naman diyan, bess!" anang Kelly nang makalapit ito sa puwesto ni Devee. Isang seryosong tingin naman ang ibinigay dito ni Devee pagkuwa'y humalukipkip sa kaniyang arm chair. Nangunot naman ang kilay ni Kelly. "Are you okay?" muling tanong nito. Muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Well, ilang beses na ba siyang napapabuntong-hininga mula kaninang pagkagising niya? Hindi niya na rin mabilang. "Oo." tipid at walang buhay na sagot niya. "Oo? Pero hindi naman." anito. "Ewan ko." "Bakit ba kasi?" pangungulit pa nito nang umupo na sa kaniyang upuan. Muli na namang pumasok sa isipan niya ang nangyari sa kaniya kagabi. Nang bigla na lamang pumasok sa kuwarto niya si Ericjan. "Ano ba talaga ang kailangan mo? Kanina ka pa pabalik-balik!" inis na sa