"I'M HOME WIFE!" anang Ericjan nang makapasok ito sa kanilang sala. Pero agad din itong natigilan ng makita si Ingrid na nakupo sa sofa at matamang nakatingin sa direksyon niya. Kunot noo at nagmamadali itong lumapit sa babae. "W-what are you doing here?" nagtatakang tanong nito pagkuwa'y mabilis na inilibot ang paningin sa paligid at pilit na hinagilap si Devee. "Ingrid... I told you tapos na tayo. You can leave, now." anito at kinuha ang kamay nito para hilahin palabas ng bahay niya. "Saan mo siya dadalhin?" tanong ni Devee nang lumabas siya mula sa kusina at may bitbit na baso ng tubig. "Wife... I didn't knew she was here. I'm sorry—" anang binata na bakas ang pag-aalala sa hitsura na baka magalit na naman ang nobya sa kaniya. Muli nitong binalingan ng tingin si Ingrid. "Go on! Umal