TAHIMIK pa rin si Devee na nilingon ang kaniyang asawa sa drivers seat. Kagaya kanina ay nakatuon pa rin ang atensyon ni Ericjan sa unahan ng sasakyan. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya sa ere 'tsaka muling ibinaling ang paningin sa labas ng bintana. Ano kaya ang naging problema nito? Kanina naman nang magkausap kami sa tawag, masaya naman siya. Anang isipan niya. Baka pagod lang siguro siya. Muling dahilan niya sa sarili. Hanggang sa makarating sila sa kanila. Hindi kaagad siya bumaba sa front seat, hinihintay niyang bumaba ang kaniyang asawa para pagbuksan siya nito ng pinto sa tabi niya. Dahil iyon naman ang gustong gawin lagi sa kaniya ni Ericjan. Pero iba naman ang nangyari ngayon. Ilang minuto na siyang naghihintay na bumaba ito, pero parang wala naman ata itong balak n