"DITO tayo kakain?" kunot ang noo at dismayadong tanong niya sa binata nang makababa na sila sa kotse nito. She was expecting earlier na dadalhin siya nito sa isang fine restuarant, kasi nga it's a date raw. "Why? Don't you eat street foods?" tanong nito. Tama! Nasa park lang sila sa loob ng Village na tinitirhan nito. At kakain sila ng street foods. Ang akala pa naman niya sa magarang kainan sila kakain or sa fast food chain. Paano naman kasi, walking distance lang naman ang park galing sa bahay nito tapos sumakay pa sila sa kotse nito. Kaya nag expect talaga siya na malayo ang pupuntahan nila. "Hindi ka ba kumakain ng kwek-kwek?" tanong nitong muli. "Kumakain s'yempre!" masungit na sagot niya. "E bakit nakasimangot ka diyan? Parang hindi mo gusto rito?" tanong pa nito. Inirapan niy