"DEVEE! Jesus! Hey! Are you okay?" nag aalalang lumapit si Ericjan kay Devee nang pagkapasok nito sa banyo ay nadatnan nito ang dalaga na nakasalampak na sa tiles. Hinihilot na nito ang paa. "What happened?" "Aray! Ang sakit ng paa ko." sa halip ay daing niya. "Bakit kasi hindi ka nag iingat? Come here." nagagalit na saad nito. Dahan-dahan nitong binuhat ang dalaga at inilabas sa banyo. Inilapag siya nito sa ibabaw ng kaniyang kama. "Let me see." anang binata at agad na hinawakan ang paa niyang nasaktan. Namumula pa iyon. Kung bakit kasi puro nalang kamalasan ang napapala niya ngayon? Hinalikan niya si Ericjan. Nakita siya nitong halos hubo't hubad na. Magkatabi silang natulog buong magdamag... tapos ngayon ito, natapilok pa siya kakamadaling pagtaguan ang binata. Kawawang Devee! "Wai