CHAPTER 40

2940 Words

"DEVEE, HIJA!" Biglang napalingon sa may pinto ng classroom si Devee nang dumungaw doon si Mrs. Perez. Kaagad naman siyang tumayo sa kaniyang puwesto at naglakad palapit sa Ginang. Alas sinco na ng hapon at katatapos lang din ng kaniyang klase. "Good afternoon po Mrs. Perez!" bati niya rito. Ngumiti ang Ginang. "Good afternoon din hija!" "May kailangan po kayo?" tanong niya. "Um, c-can I talk to you hija?" "Sure po! Dito po tayo sa loob." saad niya 'tsaka nagpatiunang bumalik sa kaniyang lamesa. Sumunod naman sa kaniya ang Ginang. Umupo ito sa isang silya ng estudyante. "Ano po ba ang pag-uusapan natin?" tanong niya. MalaIim at banayad na buntong-hininga ang pinakawalan ng Ginang sa ere 'tsaka matamang tinitigan sa mga mata si Devee. "Mr. Sanchez talk to me this afternoon hija."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD