"BESS! Saglit, hintayin mo ako."
Dinig ni Devee na sigaw ni Kelly habang tumatakbo ito sa hallway papalapit sa kinaroroonan niya. Pinagtinginan agad ito nang mga ka-schoolmate nila na nakatambay sa gilid ng hallway. Paano naman kasi, itong kaibigan niya, may paalala na nga sa hallway na SILENT pero kung makasigaw e, daig pa ang nasa tuktok ng bundok.
"Oh! Makatingin kayo sa `kin? Kayo ba ang bespren ko?" mataray na tanong nito sa mga babaeng masama ang tingin sa kaniya.
Napangiti na lamang si Devee. "Ang ingay mo!" kunwari ay naiiritang saway niya sa kaibigan.
Agad namang yumakap sa braso ni Devee si Kelly nang makalapit na ito sa kaniya. "Ang bingi mo kasi. Kanina pa kita tinatawag sa gate palang."
"Bakit ba kasi?" tanong nito.
"May assignment ka?" pabulong pang tanong nito pagkuwa'y inilibot ang paningin sa paligid.
"Ayon! Sabi ko na nga ba e! Alam ko na `yang mga galawan mo." aniya. "Bakit hindi ka gumawa?" pagtataray na tanong ni Devee `tsaka nito inayos sa balikat ang bitbit na bag. Tinanggal niya sa kaniyang braso ang kamay ng kaibigan `tsaka nag patuloy sa paglalakad.
"Ano kasi—may despededa sa bahay kagabi kaya hindi ako nakagawa. Alam mo naman na paalis si ate papuntang Japan. Pa-kopya ako huh?" paglalambing pang saad nito.
Hay nako! Kung hindi niya lang talaga ito kaibigan. Never niya itong pakukupyahin sa mga assignments niya. Hindi niya kasi talaga ugali ang gano'n. Ikaw itong nag pakahirap para mag sagot sa assignments mo tapos makikikopya lang sila.
"Oh! Ito na. Bilisan mo habang wala pa si sir. Mamaya niyan mahuli ka pa." kunwari ay na iinis na ibinigay niya sa kaibigan ang kaniyang assignments.
"I love you bess! Maaasahan ka talaga." anito at mabilis na kinuha ang papel sa kamay ni Devee.
Kaagad na pumasok sa classroom nila si Devee. Mayamaya kasi ay alam niyang nandiyan na si Mr. Diano, ang English Professor nila. Medyo istrikto pa man din iyon.
"Bess ito oh! Salamat." bulong ni Kelly kay Devee nang iabot nito ang papel matapos kupyahin ang nakasulat doon.
"Good morning everyone!"
"Good morning prof." matamlay na bati no'ng ibang kaklase ni Devee.
Bukod kasi sa Lunes ngayon ay tila hindi naramdaman ng mga estudyante ang dalawang araw na walang pasok dahil na rin sa pagiging abala para sa graduation nila. Samantalang itong si Devee, kaliwa-kanan ang kilos. Trabaho sa gabi, aral naman sa umaga. Well, kailangan niyang kumayod para sa pag-aaral niya. Lalo na ngayo'ng bayarin na naman para sa nalalapit na graduation nila.
"So, how's the weekend?" tanong nang medyo silahis na professor nila.
"Parang hindi naman po nag weekend prof." halos sabay-sabay pang sagot ng mga ito.
Natawa naman ng pagak ang professor. "Kaunting tiis na lamang at makakalagpas na kayo sa pagiging buhay estudyante ninyo kaya pag tiyagaan n'yo na muna sa ngayon." anito. "Mag expect na rin kayo na sa susunod na mga araw ay mas lalo pa kayong magiging abala para sa nalalapit ninyong graduation. And of course make sure n'yo rin na ready na ang mga wallets ng parents ninyo para sa mga gagastusin ninyo. This will be the last anyway at lahat naman kayo ay makakapag-graduate kaya hindi sila manghihinayang sa perang pinanggastos nila sa inyo." dagdag pa nito. "And by the way, let me tell you an important announcement. Kahapon ay nagkaroon kami ng meeting together with Dean. And finally he made an announcement about sa who's running for c*m Laude. And I'm so happy to know na galing sa section ninyo ang nanguna sa list ng Dean natin. I know she deserve it though. Masipag naman siyang mag aral alam natin lahat `yon." anang Mr. Diano habang malapad ang pagkakangiti nito.
Mabilis na umugong ang bulong-bulongan ng mga estudyante. Kaniya-kaniyang hula kung sino ang running for c*m Laude na tinutukoy ng kanilang professor.
"Congratulations to Ms. Devee Oliveros." masayang pag aanunsyo ni Mr. Diano at binalingan ng tingin ng dalaga habang tahimik lamang ito sa kaniyang puwesto.
Gulat at halos hindi pa makagalaw sa kinauupuan niya si Devee matapos marinig ang kaniyang pangalan na binanggit ng kanilang professor.
Ako? Running for c*m Laude? God, is this for real? Nag bunga ang buong apat na taong pagsusunog ko ng kilay! Kahit kulang ng tulog at puro pagod dahil sa pag aaral at trabaho ko. Worth it naman pala sa dulo. Anang isipan ni Devee. Biglang nilukob ng labis na tuwa ang kaniyang puso dahil sa magandang balitang iyon. Hindi niya iyon inaasahan. Hindi siya makapaniwala.
"Wow bess! c*m Laude ka. Congrats!" masayang bati ni Kelly sa kaibigan.
"Oy, congrats Devee! Deserved mo talaga `yon." bati nang mga kaklase niya.
Halos mapunit na rin ang pisngi ni Devee dahil sa nakapaskil na malapad na ngiti sa kaniyang mga labi. She didn't expect the good news, really. Para sa kaniya naman kasi ay okay lang na mag tapos ng koloheyo ng walang awards, basta ang importante maganda ang kaniyang grades. Okay lahat ng kaniyang subjects. Wala siyang babalikan na subjects kapag hindi siya nakapasa. Hindi nasayang ang pagod, hirap at sakripisyo niya sa pagtatrabaho.
Ang bait talaga ni Papa God! Akalain mo `yon, nakuha ko pa ang award na `yon samantalang isa akong nahihirapan na scholar/working student since first year college pa ako. Sa loob-loob nito. Naniniwala na talaga ako sa kasabihang, kapag may tiyaga, may nilaga.
Sa buong apat na taon ba namang nag tiis at nag tiyaga si Devee. Kahit walang maayos na tulog. Pagod galing sa trabaho. Gutom. At walang pamasahe kung minsan kapag papasok siya sa school. Pero, tingnan mo ano ang naging resulta sa kaniya?
"Ang galing-galing mo talaga bess. Congrats uli." anang Kelly na kagaya ni Devee ay hindi pa rin makapaniwala.
Saksi rin kasi ang kaibigan niya sa lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. Thought, isa siya sa mga estudyanteng nabigyan ng Scholarship noon, mahirap pa rin para kay Devee lalo pa at hindi naman kasama sa libre ng eskuwelahan niya ang mga projects niya. Ang baon niya sa eskuwela. Lalo na ang pangkain araw-araw at pangbayad sa upa ng kaniyang bahay. She needs to ear money for her own. Walang ibang gagawa no'n kundi siya lamang. A hardworking student, independent for five years. That's Devee Oliveros, wala ng iba pa.
"You deserved it Ms. Oliveros. Congrats again." anang Mr. Diano.
"Salamat po prof." nakangiting sagot ni Devee.
Halos buong araw ng kanilang klase ay nakangiti lamang si Devee. Hindi mapalis-palis ang ngiti sa mga labi nito. Ang tuwa sa puso niya. Panigurado siyang natutuwa ngayon ang inay at itay niya sa langit dahil sa tagumpay na natanggap niya.
"At dahil running for c*m Laude ang bespren ko. Tara at libre kita." saad ni Kelly kay Devee nang palabas na sila sa kanilang classroom.
Agad namang nag ningning ang mga mata nang huli pagkarinig sa sinabi ng kaniyang kaibigan. Paano, blessings in disguise sa kaniya ngayon si Kelly. Wala kasi siyang pagkain mamaya pagkauwi niya sa apartment niya. Kapos din ang pera na nasa wallet niya. Hindi pa naman kasi siya sumasahod.
"Salamat bess! Halika na dali at gutom na ako." saad nito at walang paalam na hinila si Kelly sa braso upang lisanin na ang kanilang eskuwelahan.
"Alam ko na `yang hitsura mo bess. Jollibee tayo dali." anito nang mahalata na naman nito ang kilos ni Devee. "Teka bess, bakit ako hindi kasama sa running for c*m Laude?" mayamaya ay kunot ang noo na tanong nito.
"E?" kunot noo na napalingon si Devee kay Kelly.
"Kasi isipin mo, dapat pareho tayo ng grades doon kasi lagi naman akong nangungupya sa `yo. Sa assignments at quizzes." seryoso pang saad nito. "Aray naman! Makabatok ka diyan!" reklamo nito at napahawak pa sa kaniyang ulo nang bigla siyang binatukan ni Devee.
"Sira! Ba't hindi mo tanungin si Dean?" natatawa nalang na saad ni Devee.
"Huwag na! Baka kuwestyunin pa ako no'n at ipaulit ang quizzes, assignments at exams ko." napapakamot na ani nito.
Napailing na lamang si Devee dahil sa kakulitan ng kaniyang kaibigan.