CHAPTER 6

2773 Words
"MARE! MARE!" Ang boses ni Awra ang narinig ni Devee mula sa labas ng Apartment niya. Kinuha niya ang bag niyang nakapatong sa sofa bago tinungo ang pintuan at lumabas. "Bakit ba bakla? Umagang-umaga makahiyaw ka diyan." kunwari ay naiinis na saad niya rito nang tuluyan na siyang makalabas. "Sorry!" anang bakla. "Hoy! Kaloka ang ganda-ganda mo talaga! May mamang pogi na naghihintay sa 'yo kanina pa." anang Awra na hinampas pa sa balikat ang dalaga nang makalapit na ito sa kaniya. Biglang na ngunot ang kaniyang noo. "Huh? Ano bang pinagsasasabi mo diyan?" tanong niya. "Lokaret ka! May Keiedrian ka na lumalandi ka pa." tumawa pa ito. "Ayon o! Sundo mo." anito na ngumuso pa kaya napasunod ang tingin ni Devee roon. Halos mapamulagat pa siya nang makita niya ang mayabang na Pulis na 'yon habang nakasandal sa gilid ng mamahaling sasakyan nito. Nakapaloob sa bulsa ng pantalon nito ang dalawang kamay habang may suot ding Ray-ban. Oo na! Dahil sa suot nitong white long slevee na nakatupi pa ang manggas nito hanggang sa ibaba ng siko nito... naka-bukas ang dalawang butones sa bandang dibdib nito. Tinirnuhan pa ng itim na pantalon. Mas pinatunayan nitong guwapo nga talaga ito. Kamukha nito si Andrew Garfield dahil sa postura nito ngayon. Or maybe, mas guwapo pa ito kaysa sa Hollywood Actor na iyon. Hindi maitatangging maraming kababaehan ang luluha at masasaktan kapag ito ang naging boyfriend. Halata naman sa hitsura nito na ito ang tipo ng lalake na mapaglaro sa damdamin ng kapwa ni Devee. "Good morning Sungit." Kaagad na bati nito sa kaniya na hindi niya manlang namalayan at nakalapit na pala ito sa kaniya. "Hi... Awra pala! Kumare ni Devee." mabilis na pag papakilala ng bading sa lalake. Inilahad pa ang kamay nito na tinanggap naman ng lalake. "Ang gwapo mo naman." malanding saad pa nito. "Hi bro!" Biglang natawa si Devee nang mawala ang ngiti sa mga labi ni Awra. Mabilis na nangunot ang noo ng bading dahil sa pag tawag sa kaniya ng lalake na Bro! "Maka-bro naman! Sis ako pogi." anito. "Ah sorry! Hi sis." nakangiti ring saad nito. Mukhang sanay din ata itong makipagkuwelahan sa mga bading. "Ano'ng ginagawa mo rito?" mayamaya ay tanong niya. "A, may dinaanan kasi ako kanina malapit dito. Naisipan ko lang na daanan ka na rin." saad nito na nakangiti pa ng malapad. Tss! Kung nagkakilala lang kami nito sa maayos na paraan, baka nagtititili na ngayon ang puso ko dahil sa kilig. Anang kaniyang isipan. "Papasok ka na sa school mo? Hatid na kita." anito. "Salamat na lang, pero madaming Jeep ang dumadaan diyan sa labasan." pormal na saad niya rito 'tsaka isinukbit ng maayos ang bag na dala niya bago naglakad na paalis. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay nadinig niyang ulit ang boses nito. Nasa tabi niya na pala ito. "On the way ka naman sa uuwian ko e! Kaya no problem with me." "Sa 'yo walang problema, pero sa 'kin mayroon." "Come on Devee..." Agad siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ang lalake. "Ano bang problema mo sa 'kin?" naiinis na tanong niya rito. "Nothing!" mabilis na sagot nito. Nagkibit-balikat pa. "Okay! I just want us to be friends. Hindi naman siguro masama kung makikipagkaibigan ako sa 'yo 'di ba?" seryosong tanong pa nito. "Masama!" aniya. "Kasi hindi naman kita kilala." "Kaya nga magpapakilala ako sa 'yo ng maayos." "Alam mo... wala akong time para makipagkilala sa mga taong mayayabang. Kung ako sa 'yo... umalis ka na rito at huwag ka na mag pakita sa 'kin baka magsisi ka lang sa huli." saad niya. "Nakikita mo ang mga siga na 'yan?" tanong niya pa rito at itinuro ang tatlong mamalaking lalake na nakatambay sa labas ng tindahan ni aling Barbara. "Kilala ako ng mga 'yan. Isang sabi ko lang sa kanila na ginugulo mo ako rito paniguradong bugbog sarado ka kapag lumabas ka rito sa lugar namin." pananakot pa niya rito. "Sila? E, mababait naman ang mga 'yan a!" anito. "Nakakuwentuhan ko na nga sila kanina habang naghihintay ako sa 'yo." "Sarhento... salamat po sa paalak." anang isang lalake. "Devee, ang galante naman pala nitong bisita mo." Tss! Nasuhulan na pala ng alak. Sa isip-isip niya. Isang masamang tingin na lamang ang ibinigay niya sa lalake bago padabog na naglakad muli palayo rito. "Ang taray naman nito! Halika na at ihahatid na kita." "Umalis ka na Kevin." naiinis na saad niya at nag dirediretso na sa paglalakad. Hindi niya na ito inintindi. Biglang napangiti ang lalake. "Oy! Natatandaan mo pa pala ang pangalan ko! So, ibig sabihin no'n friends na tayo?" pangungulit nito habang nakasunod pa rin sa dalaga. "In your dreams! Kaya umalis ka na lang. Wala kang mapapala sa 'kin kung anuman ang binabalak mo." Agad siyang pumara ng Jeep at sumakay na para hindi na siya masunda ng makulit na lalakeng iyon. Hindi niya naman alam kung ano ang problema no'n at siya ang ginigulo. Nako, makikita talaga nito kung ano ang hinahanap nito kapag naupakan niya na ito. Hanggang sa makarating siya sa school... sira na ang araw niya dahil sa mayabang na lalakeng iyon. "Nakabusangot ka na naman diyan bess?" bungad na tanong sa kaniya ni Kelly nang umupo ito sa tabi niya. "May buwesit kasing sumira sa umaga ko." "Sino?" tanong nitong muli. "Basta! Isang nakakabuwesit na nilalang." Ngumiti na lamang si Kelly. "Hayaan mo na bess. Mahaba pa naman ang araw para masira ang mood mo ngayon." anito. "Siya nga pala, sasama ako sa 'yo mamaya sa boutique ni tita Yhanie. Nagpaalam ako kay mommy tutal at linggo naman bukas." saad nito. "Sige! Maganda 'yan para may kasama ako roon. Aalis daw kasi si tita Yhanie mo. Parang may date daw sila ng anak niya." "Yon nga ang sabi sa 'kin ni tita." Pagkatapos nga ng last subject nila bandang ala-una ng hapon ay nag diretso na sila sa mall. Kagaya ng sabi ni Kelly, siya ang nakatulong ni Devee sa boutique para mag assist ng mga customer. At dahil sabado ngayon, medyo madami ang tao at customer na dumayo roon. Lalo na ang mga amiga at suki ng Ginang. Kung hindi pa siya tinulungan ni Kelly, malamang nagkanda-ugaga na siya sa pag entertain sa mga customer nila. Bandang alas kuwatro ng hapon na rin sila nakapagpahinga nang bumalik ang Ginang. Pinagbreak sila nito at ito naman ang tumao sa counter tutal at kaunti na lang ang tao roon. Kagaya ng nakasanayan nila ni Kelly, sa foodcourt uli sila pumuwesto. And usuall, libre na naman ni Kelly ang pagkain niya. Since ito palang naman ang pangatlong araw niya sa trabaho kaya wala pa siyang sahod. "Salamat bess!" "Welcome." Pagkatapos nilang kumain ay bumalik din agad sila sa boutique para doon na rin magpahinga. Pero papasok pa lang sila sa entrance ng boutique ay agad na natigilan si Devee nang makita niya kung sino ang kausap ng Ginang sa may counter. "Oh! Ito na pala sila. Devee, Kelly come here." anang tita Yhanie. "This is Kevin! Anak ng amiga ko. Hijo Kevin, this is Devee and I know you already knew Kelly." pagpapakilala ng Ginang sa mga ito. "Yeah tita!" anang lalake. "And actually kilala ko na rin po si Devee." saad pa nito. "What a small world! Dito ka pala nagtatrabaho." "Magkakilala na pala kayo! Mabuti kung ganoon." anang Ginang. "Paano hijo ikumusta mo nalang ako sa mommy mo." "No problem tita Yhanie. I'll go ahead." saad nito na humalik pa sa pisngi ng Ginang pagkuwa'y binalingan tingin si Kelly. "Bye Kelly." saad nito. "Bye Kev. Ingat." anang Kelly. "Bye Miss Sungit!" bulong pa nito kay Devee bago tuluyang naglakad palabas ng boutique. "PSST! Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko sa 'yo kung paano kayo nagkakilala ni Kevin?" tanong ni Kelly kay Devee habang papalabas na sila ng mall. "Hindi nga kami magkakilala bess!" inis na saad niya. Kanina pa kasi ito nangungulit sa kaniya. "Nataon lang na siya 'yong buwesit na nakakuha ng envelope ko at sa kabaitan niya, ayon... itinapon niya lang naman ang envelope ko." napasimangot siya lalo. Pero lumaki naman ang ngiti sa mga labi ni Kelly na parang nanunudyo pa sa kaniya. "Oy! Baka ito na 'yong sinasabi nilang Destiny!" natatawang saad nito. "Kelly! Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo? My God! Hindi siya ang tipo ko. 'Tsaka ang mga Pulis na 'yan ay hindi loyal, kaya ayokong magkaroon ng karelasyon na Pulis kung maaari lang. Puro mga babaero ang mga 'yan." naiinis na saad pa niya, sinabayan na rin niya ng irap. Mas lalong natawa si Kelly dahil sa hitsura niya. "Grabe ka naman bess! And FYI, may kakilala akong pulis. Pero loyal 'yon." saad nito. "And besides, hindi naman lahat ng Pulis ay parepareho. May iba lang na babaero talaga, pero may iba rin naman na hindi." anito. "Sus! Ipinagtatanggol mo lang talaga ang mayabang na Kevin na iyon. Siguro ikaw ang may gusto sa kaniya." saad niya at mas lalo pang napasimangot sa kaibigan. "Hindi ko siya ipinagtatanggol. I'm just stating a fact." "Stating a fact! Ewan! Basta 'yon ang alam ko." saad na lamang niya para matapos na ang pag-uusap nilang iyon. Mas lalo kasi siyang naiinis kapag naririnig niya ang pangalan ng lalakeng iyon e! Pakiramdam niya mas lalong lumalaki ang ulo ng lalake. "Ito naman! Napaghahalataan tuloy na parang crush mo si Kevin." panunudyo pa lalo ni Kelly. Agad siyang napalingon kay Kelly. Mabilis na lumipad sa ere ang isang kilay niya. "Anong crush ka diyan? Hoy Kelly, magkagusto na ako sa lahat huwag lang sa mayabang na katulad niya." lintaya niya. "Anong silbi ng kaguwapuhan niya kung mayabang naman?" "So, inamin mo rin na nagaguwapuhan ka nga sa kaniya! Ikaw bess huh!" "Tigilan mo nga ako Kelly! Hindi totoo 'yang sinasabi mo." giit niya. Dahil iyon naman talaga ang totoo. Hindi niya gusto ang Kevin na 'yon. Never. Period. "Baka ikaw ang mag gusto sa Kevin na 'yon at ipinapasa mo lang sa 'kin." saad niya. "H-hindi a!" nautal pang saad nito at mabilis na nag iwas ng tingin. "Tingnan mo nga't nautal ka pa." "Hindi no! I don't like him kaya." "I don't like him! Ewan ko sa 'yo! Sige na! Umalis ka na nga Kelly, baka ano pa ang magawa ko sa 'yo!" pagbibiro niya nang nasa labas na sila ng mall. Naroon na rin ang sundo nito. Humalik pa siya sa pisngi nito bago niya binuksan ang pinto ng kotse at bahagyang itinulak ang kaibigan papasok. "Bye! Ingat ka Kevin." "Che!" saad nito sa kaniya. Nang makaalis na roon ang kaniyang kaibigan 'tsaka naman siya naglakad para maghanap na rin ng Jeep na masasakyan pauwi. "Hi Ms. Sungit!" Bahagya pa siyang nagulat dahil sa lalakeng biglang sumulpot sa tabi niya. "Ano ba? Papatayin mo ba ako sa takot?" pagalit na tanong niya habang nakahawak sa tapat ng dibdib niya. "Kung saan-saan ka lang sumusulpot." "I'm sorry kung nagulat kita." anito. "Ano ba kasi ang kailangan mo? Mangungulit ka na naman ba?" tanong niya 'tsaka nag simula na ulit sa paghakbang. "Um, can we talk for a sec?" "Wala akong time Kevin. Kaya umalis ka na lang." "Please!" "Umalis ka na." masamang tingin ang ibinigay niya rito at hindi na niya ito pinakinggan pa. Tuloy-tuloy na ang lakad niya hanggang sa makasakay siya ng Jeep at makauwi. Bubuksan na sana niya ang maliit na gate ng Apartment niya nang madinig niya ang boses ni aling Barbara. "Devee, ipinapaalala ko lang sa 'yo... linggo na bukas. Kailangan ko ang pera ko." anang pandak at matabang land lady niya. Napabuntong-hininga na lamang siya bago humarap sa matanda. "O-opo aling Barbara. Bukas po!" sabi niya na lang kahit hindi pa siya sigurado kung may mahihiraman ba siya bukas ng pera. "Siguraduhin mo lang Devee! Hindi na ako magdadalawang-isip na paalisin ka rito." anang aling Barbara. Napatango na lang siya bago tumalikod ang matanda. Bagsak ang mga balikat na pumasok siya sa loob ng Apartment niya. Panigurado, bukas sa kalsada na siya nakatira kapag hindi pa siya makapagbayad sa landlady niya. Wala naman siyang kakilala na maaaring mahiraman ng ganoon kalaking pera. Maliban sa pamilya ni Kelly. Pero ayaw naman niyang lumapit sa mga ito. "Please help me Papa God!" sambit niya 'tsaka pabagsak na humiga sa sofa. Hindi na rin niya namalayan kung anong oras na siya nakatulog kakaisip sa problema niya. "BOSS, naibigay na po sa 'kin ni sir Kevin ang address ni Ms. Devee Oliveros." "Good!" anang lalake. "Gaya ng sabi ko sa 'yo, puntahan mo siya. Make sure na makumbinsi ninyo siyang sumama rito sa 'kin." "Opo boss!" anang lalake bago tuluyang nilisan ang opisina ng binata. Pinuntahan kaagad nito ang address na ibinigay ni Kevin para makausap ang dalaga. "Tao po! Tao po!" "Sino kayo? Ano'ng kailangan ninyo?" tanong ni Aling Barbara sa lalakeng nakatayo sa labas ng gate ng Apartment ni Devee. "Dito po ba nakatira si Ms. Devee Oliveros?" tanong nito sa matanda. "Oho! Ako ang landlady niya. Bakit ano ang kailangan ninyo sa kaniya?" kunot ang noo na tanong pa nito. "It's a personal matter ma'am! Nariyan ba siya sa loob? Maaari ko ba siyang makausap?" tanong nito. "Wala riyan si Devee! Ang totoo niyan ay kanina ko pa siya hinihintay dahil maniningil ako sa kaniya. Mukhang tinatakasan ako ng babaeng 'yon." naiinis pang saad ng matanda. "Ganoon ba? Salamat ma'am!" saad ng lalake at mabilis na dinukot ang telepono sa kaniyang bulsa. Nag dial ito ng numero roon. Mayamaya lamang ay may kausap na ito sa kabilang linya. "Boss, ang sabi ng landlady niya wala raw po rito si Ms. Oliveros. Opo boss! Okay po, ako na ang bahala roon. Kakausapin ko ang landlady niya. Okay boss! Don't worry. Maisasama ko po riyan si Ms. Devee mamaya." anito bago nito pinatay ang tawag. Muli nitong kinausap ang matandang babae tungkol sa pakay nitong si Devee. Matapos ang masinsinang pag-uusap ng dalawa ay saglit itong nagpaalam sa matandang babae upang asikasuhin ang napag-usapan nila. "KUMAIN ka na muna bess." anang Kelly nang mailapag nito ang plato sa lamesa sa tapat ni Devee. "Salamat." nakangiting saad niya. Maaga ang labas niya sa trabaho niya. E, ayaw pa naman niyang umuwi dahil panigurado siyang si Aling Barbara ang kaagad na sasalubong sa kaniya para maningil ulit, kaya sumama na muna siya kay Kelly pauwi sa bahay nito. Mamaya na lang siguro siya uuwi. Dahil nagugutom na rin siya, kaya nilantakan niya agad ang pagkain na ibinigay sa kaniya ni Kelly. "May problema na naman ba, bess?" tanong ni Kelly sa kaniya. "E, a-ano—" "Alam ko na!" mabilis na saad ni Kelly. "Tumakas ka na naman kay aling Barbara ano?" tanong pa nito. Hindi naman sumagot si Devee. "Bess, tanggapin mo na lang kasi 'yong binibigay sa 'yo ni mommy. Kalimutan mo na muna ang hiya na sinasabi mo. Hindi ka na iba sa 'min." "Kakapalan ko na ang mukha ko!" aniya. "Kaya sumama ako rito kasi... hihiram na muna ako." saad niya pa. "Pero babayaran ko agad. Huwag kang mag alala." Tama nga si Kelly. Walang mangyayari sa kaniya kung lagi niyang paiiralin ang hiya sa katawan niya. At isa pa, alam naman niya na wala siyang magiging problema sa pamilya nito dahil ramdam niya naman sa puso niya na mababait ang mga ito. Agad na ngumiti si Kelly sa kaniya at tumayo sa puwesto nito. Dinukot nito ang cellphone mula sa bulsa ng short nito at may tinawagan. "Hello My, opo! Nandito si Devee. About doon po sa pera. Okay po! Thank you! Ingat po kayo ni dad." anito 'tsaka pinatay ang tawag. "Bess... magpapahiram si mommy, pero bukas pa! Kasi medyo mala-late sila ng uwi mamaya. You know, sinusulit ang date nila ng honeypie niya." nakangiti pang saad nito. "Okay lang bess. Salamat! Kakausapin ko nalang si aling Barbara mamaya kung makakahintay pa siya hanggang bukas." nakangiti ring saad niya sa kaibigan. Kahit papaano ay nabunutan ng isang tinik ang dibdib niya dahil sa tulong ni Kelly sa kaniya. "Sasamahan na lang kita at ako na ang kakausap kay aling Barbara." "Huwag na! Ako na lang." "Sure ka?" "Oo! Thank you, bess!" "Welcome! 'Tsaka dalhin mo na rin ang pagkain na 'yan baka masira lang dito. Wala naman na may kakain niyan e!" anito at agad na ibinalot ang natirang pagkain. Pagkatapos niyang kumain ay saglit pa silang nag kuwentuhan ni Kelly bago siya nag pasyang umuwi na. Bandang alas syete na rin kasi ng gabi. Panigurado siyang high blood na naman sa kaniya si Aling Barbara kapag nakita siya mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD