“DEVEE?” Mula sa pagkakaupo sa bench na naroon sa gilid ng lobby ng Hotel ay biglang napalingon si Devee nang marinig niya ang kaniyang pangalan na tinawag ng isang lalake. Kunot ang noo na tinitigan niya ang lalakeng ngayon ay naglalakad na palapit sa kaniya. “Keiedrian!” aniya nang makilala niya ang anak ng dati niyang landlady na si Aling Barbara. Malapad ang ngiti sa mga labi nito nang tuluyan ng makalapit sa kaniya. “Hi! Kumusta ka? Ang tagal din nating hindi nagkita a!” saad nito. “Okay naman ako! Ikaw kumusta? Si Aling Barbara?” “Okay lang ako, pati si mama.” mas lalo pang lumapad ang ngiti nito sa mga labi. “Nagtatanong nga rin iyon sa ‘kin no'ng nakaraan kung nagkita na raw tayo!” dagdag pa nito. “Wow! I mean, hindi ko inaasahan na magkikita tayo rito ngayon.” Matamis na n
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books