"SHE'S COMING! Ready na po ang lahat." pag aanunsyo ng babae habang nagmamadaling pumasok sa malawak na venue. Muling nagpakawala ng malalim na buntong-hininga si Ericjan. Ibang kaba ang nararamdaman niya ngayon kumpara sa dapat unang kasal nila ni Devee. Nanlalamig ang mga kamay nito at tila ay mauubusan pa ng lakas ang mga tuhod. Mabilis nitong ibinukas-sara ang mag kabilang palad habang paulit-ulit pa ring bumubuga ng hangin sa ere. "Chill hijo! This time, matutuloy na ang kasal ninyo ni Devee." bulong sa kaniya ng kaniyang ama na nasa tabi niya. "Thank you dad! I'm just excited." anito. "Ready na po kayo ma'am? Kayo na po kasi ang susunod na papasok." saad ng babae kay Devee habang nakatayo siya sa likod ng malaking dahon ng pinto. Kinakabahan siya na parang ewan. Parang may pakir