"MORNING!" nakangiting bati niya sa asawa nang pagkapasok niya sa kanilang silid ay saktong kagigising pa lamang nito. "What time is it, wife?" "Seven na mahal! Bumangon ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho mo." "And where are you going?" kunot ang noo at inaantok pang tanong nito sa asawa. Umupo ito at sumandal sa headboard. Tinitigan ang asawa na nakabihis na. Nasa tapat ng vanity table at nagsusuklay ng buhok. "Mahal, remember na ngayon ako pupunta kay Mrs. Perez?" aniya. Napatango naman bigla si Ericjan nang maalala ang naging pag-uusap nila sa nag daang gabi. "Bumangon ka na riyan. Nag handa na ako ng almusal!" saad pa niya at dinampot na ang bag na nasa ibabaw naman ng sofa. Lumapit siya sa asawa at hinalikan ito sa mga labi. "Magpapahatid na lang ako kay Mang Joseph. Buma