"ERICJAN, hijo?" Biglang napalingon si Ericjan sa kaniyang likuran nang marinig niya ang boses ng lalakeng medyo may edad na. Ngumiti naman ang una at tumayo sa kaniyang puwesto. Nakipag-kamay agad siya rito nang makalapit ito sa kaniya. "Mr. Gomez! How are you?" "Fine! And I'm happy to see you again." bakas nga sa mukha nito ang saya ng makita ang lalake. "Ikaw? Kumusta ka hijo?" tanong din nito. "I'm good too." "So, how's your dad?" "He's fine. I mean, medyo tumaas ang blood sugar kaya hindi siya nakarating dito sa meeting ninyo." aniya. Tumawa naman ng pagak ang huli. "Kapag talaga tumatanda na marami ng iniindang sakit. Just like me." saad nito. "By the way, congratulations. Ang balita ko ay business partners na kayo ni Gatdula Mondragon at Esrael Ildefonso." "Yeah, natuloy d