"BESS! Musta apply natin kanina?" tanong ni Kelly kay Devee nang mag kita sila sa kanilang class room.
Pagkatapos kasing kumain ni Devee sa karenderya ay nag tuloy na agad siya sa eskwelahan at may pasok pa siya ng alas dose y medya ng hapon. Laglag ang mga balikat na umupo sa kaniyang puwesto ang dalaga. "Medyo okay na hindi." aniya.
Nangunot bigla ang noo ni Kelly pagkuwa'y nilapitan ang kaibigan. "Huh? Bakit ano'ng ganap?" tanong nito.
"May nakaingkuwentro lang ako na nag pa banas sa araw ko." saad niya.
"Ano? NPA? Isis? Maute? Saan?" Sunod-sunod na tanong nito.
Mabilis ding nag salubong ang mga kilay ni Devee at tinapunan ng masamang tingin ang kaibigan. "Oa sa mga tanong bess? E 'di sana wala ako rito ngayon kung 'yon man ang naka-engkwentro ko kanina." kunwari ay naiinis na saad niya. "Where is your common sense Ms. Maria Kelly De Asis?" dagdag pang tanong niya.
Napahagikhik naman ang huli. "Naiwan kasi sa bahay bess, kaya sorry agad." pag sakay nito sa sinabi ni Devee sa kaniya. "Pero, seryoso nga bess, ano'ng nangyari sa lakad mo?" tanong nito 'tsaka umupo sa upuang nasa tabi ni Devee.
"Hay nako! May nakasabay akong dalawang lalakeng hambog kanina habang kumakain ako sa karenderya." aniya at muling sumagi sa kaniyang isipan ang hitsura nang lalakeng lumapit sa kaniya kanina. Guwapo sana e! Mayabang lang. Sa isip-isip pa niya.
"Nako! Hayaan mo nalang 'yon. Huwag kang mag alala, tutulongan kita. Nabanggit ko kasi kay mama kagabi na mag a-apply ka ng trabaho. Sabi niya hingiin ko raw sa 'yo ang resume mo at ibibigay niya sa kaibigan niya. Mas madali lang tuloy ang trabaho bess. Sa flower shop lang 'yon. Hindi masyadong matrabaho." anang Kelly.
Mabilis pa sa alas kuwatrong nabuhayan siya ng loob dahil sa magandang balitang sinabi sa kaniya ng kaibigan. Sumilay sa mga labi niya ang malapad na ngiti. "Talaga?" tanong niya.
"Oo! Mamaya bigay mo sa 'kin ang resume mo." anito.
"Hay nako! Sana nga tanggapin ako bess. Parang pakiramdam ko kasi walang mapapala 'yong lakad ko kanina." medyo malungkot pang saad niya. "Teka lang, ngayon ko na lang ibibigay ang resume ko." saad niya 'tsaka nagmamadaling tumalima at binuksan ang kaniyang bag. Pero mayamaya'y agad din siyang natigilan nang hindi niya makita ang envelope na dala-dala niya kanina nang umalis siya ng kaniyang Apartment. Tiningnan pa niya ang ilalim ng kaniyang upuan sa pagbabakasakaling nahulog lamang iyon doon.
"Ano ang hinahanap mo bess?" tanong ni Kelly.
"Iyong envelope ko."
"Wala ka naman dala kanina." anito.
Kunot ang noo na napalingon siya rito. "May dala ako kanina bess! Hawak ko 'yon—" pero mayamaya'y bigla rin siyang natigilan sa pagsasalita nang maalalang inilapag niya iyon sa upuan kanina habang nasa karenderya siya.
May naiwan ka!
"Patay! Naiwanan ko sa karenderya." sambit niya nang maalala niya ang pulis na tinawag siya ngunit hindi niya naman pinansin.
"Sign of aging." anang Kelly.
"Ano ba 'yan! Nandoon pa naman lahat ng requirements ko bess. Pati 'yong NSO ko. 'Yong mga valid ID ko." nag aalalang saad niya sa kaibigan. Laglag ang mga balikat na napasandal na lamang siya sa sandalan ng kaniyang upuan.
"Hay nako bess! Problema na naman 'yan." ani Kelly.
Napapailing na lamang siya na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Kasalanan no'ng Kevin e! Kung sana hindi siya nito nilapitan kanina, hindi sana siya mag mamadaling umalis sa lugar na iyon. Hindi niya sana nakalimutan ang gamit niya.
"Babalikan ko mamaya. Baka naitabi lang no'ng mga nagbabantay sa karenderya." umaasang saad niya.
Hanggang sa mag simula ang kanilang klase. Natapos ang lahat ng kanilang subjects no'ng hapon na iyon ngunit ang isipan ni Devee hindi pa rin makapag-concentrate. Tila nililipad ang kaniyang utak sa ibang dimensyon. Kapag nawala ng tuluyan ang kaniyang mga papeles nako, panigurado siya na mas lalo siyang mahihirapan na kumuha ng panibagong kopya ng mga iyon. Panibagong gastos na naman siya.
"Saan ka?" tanong ni Kelly nang magpatiunang lumabas sa class room nila si Devee.
"Babalikan ko lang doon baka nandoon pa." saad nito.
"Sama ako." anito at nagmamadali namang sumunod sa kaniyang kaibigan.
"ATE, may nakita ba kayong brown envelope na naiwanan dito kanina?" tanong niya sa isang ali no'ng makarating sila sa pinagkainan niya kanina. "Doon banda." itinuro pa niya ang naging puwesto niya kanina.
"Wala po ma'am e!" sagot nang babae.
"Hindi po kami nakakapag-monitor ng mga naiiwanan na gamit dito ma'am, sa dami ba naman kasi ng mga kumakain dito e!" singit pang saad ng isang lalake na medyo may edad na.
"Ganoon po ba? Salamat po." dismayadong saad niya 'tsaka napapabuntong-hininga na lamang na naglakad palabas ng kainan na iyon.
"Saan mo hahanapin 'yon ngayon?" tanong ni Kelly. "Malamang at nakuha na 'yon ng iba." anito.
"Hay nako! Makakalimutin na talaga ako!" dismayadong saad niya. "Tara na nga! Uwi na tayo." aya niya kay Kelly nang sipatin niya ang pambisig niyang orasa. Ala sais na pala ng gabi.
Mabilis na ipinulupot ni Kelly ang mga kamay sa braso ni Devee habang naglalakad na sila pabalik sa kinaroroonan ng sasakyan nito.
"Ma'am Kelly, hinahanap ka na po ng mama n'yo." anang driver nang bumaba ito sa drivers seat at pinagbuksan ng pinto ang dalaga.
"Sige na bess, mauna ka na. Commute na ako." saad niya.
"Hatid ka na namin." sa halip ay saad din ni Kelly sa kaniya.
"Hindi na! Baka mapagalitan ka pa ni mama mo. Malapit lang naman 'to sa bahay e! Sige na."
"Sure ka?"
"Oo naman! Sige na bess. Ingat pauwi!" aniya at hinalikan sa pisngi ang kaibigan bago niya ito bahagyang itinulak papasok sa back seat ng sasakyan.
"Sige! Ikaw ang mag iingat. Text mo ako kapag nakauwi ka na huh! Ingat ka bess. Bye." anito.
Pagkatapos sundan ng tanaw ni Devee ang papalayong sasakyan ni Kelly ay naglakad na rin siya upang tunguhin ang kabilang kalsada para doon mag hintay ng masasakyang Jeep. Saktong papara na sana siya ng isang Jeep nang mahagip ng kaniyang paningin ang mayabang na pulis na lumapit sa kaniya kanina. Nakasakay ito sa patrol car. Nagmamadali naman siyang tumakbo nang matanaw niyang pumara ang sasakyang iyon sa tabi ng kalsada. Mabilis niyang kinatok ang salamin ng bintana niyon nang makalapit siya.
"Oh! Ms. Sungit? What a beautiful night to see you again?" anang lalake. Nakangiti pa itong dumungaw sa bintana matapos nitong ibaba ang salamin.
"Nasaan na 'yong envelope ko?" mataray na tanong niya sa lalake.
"What envelope?" sa halip ay balik na tanong nito.
Matalim na titig ang ipinukol ni Devee sa lalake. "Yong naiwan ko kanina sa loob ng karenderyang 'yon." aniya at itinuro pa ang kainan na nasa 'di kalayuan.
"Ah! I remembered." anito. "Ano ba ang laman no'n? Itinapon ko na kasi kanina." dagdag pang saad nito.
Laglag ang panga at nanlalaki ang mga mata ni Devee na napatitig sa mukha ng lalake dahil sa sinabi nito. Hindi niya alam kung ano ba ang gagawin sa mga sandaling iyon. Basta ang alam lamang niya unti-unti ng nabubuhay ang labis na galit sa kalooban niya para sa walang hiyang lalakeng ito. Malingalingang hilahin niya ang ulo nito palabas sa bintanang iyon at pilipitin ito. O hindi kaya'y karatehin niya ito habang prente itong nakaupo sa drivers seat. Ewan na lamang ni Devee kung ano ang mangyari sa lalakeng ito.
"Walanghiya!" tanging nasambit niya habang nagpipigil pa rin siya sa kaniyang galit para sa lalake.
"Is there any important thing inside of that envelope?" inosente pang tanong nito sa dalaga na siyang lalong nagpakulo sa dugo nito.
"Oo! Mas importante pa kaysa sa buhay mo." anghil niya rito at nag dadabog nang nag martsa paalis sa tapat ng mobil nito. Dinig pa niya ang nangaasar nitong tawa na siyang labis na nag painis sa kaniya.
"Hey! Ms. Sungit..." sigaw nito.
"Mabilaukan ka sana kakatawa." sigaw niya nang balingang niya muli ng tingin ang lalake at pagkuwa'y sumakay na sa Jeep na pumara sa kaniyang tapat.
"OH! NAKASIMANGOT ka na naman bess!" bungad ni Kelly kay Devee nang makapasok na siya sa kanilang classroom.
Tamad na napaupo sa kaniyang puwesto si Devee. Pakiramdam niya ay pasan-pasan niya ang buong mundo sa mga sandaling iyon dahil sa dami ng kaniyang problema. Well, kailan pa ba siya naubusan ng problema? Lagi naman simula't sapol pa lamang.
"May problema ba bess?" tanong ni Kelly at humalukipkip sa arm chair ni Devee.
"Wala naman!" tipid na sagot niya.
Kunot noo na tumitig si Kelly sa kaniya na animo'y binabasa ang nasa utak niya sa mga sandaling iyon. "I don't think so." anito. "I know you bess."
"Wala nga!" saad niya 'tsaka kinuha ang kaniyang bag at nagkunwaring may hinahanap doon. Ayaw niya na munang mag open up dito tungkol sa kaniyang problema. Ayaw niyang pati ang problema niya ay p-problemahin na naman ni Kelly ngayon.
"Come on bess. Speak!"
"Dadating na ang prof. natin kaya—"
"Actually, mamayang hapon pa ang klase natin. Wala tayong klase sa morning subjects. Don't worry! Or maybe, halika at sa canteen tayo." ani Kelly at mabilis na tumayo sa kaniyang puwesto at hinila sa braso si Devee upang patayuin na rin ito.
"H-huh? Teka bakit 'di mo ako tinext na wala pala tayong pasok ngayon? Sana naghanap na muna ako ng trabahong mapapasukan ko." saad ni Devee.
"Kanina ko lang din nalaman kaya sorry." kaagad na paghingi ni Kelly ng pasensya sa kaniya. "'Tsaka don't worry na about your work. Nakausap ko na si Tita Yhanie, my mom's older sister. Naghahanap kasi siya ng bagong secretary sa boutique niya. Manganganak na kasi ang secretary niya kaya nag resign na. I asked her kung puwede kitang ipasok doon. Pumayag siya!" pagkukuwneto ni Kelly.
Bigla siyang natigil sa paglalakad. Ganoon din si Kelly. "S-seryoso?"
"Mukha ba akong nagbibiro?" balik na tanong nito.
Kilala niya si Kelly. Alam niya kung kailan ito nagbibiro at seryoso. And it seems that Kelly is serious this time.
Saglit na nanahimik siya habang mataman lamang nakatingin sa kaibigan. Mayamaya ay sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi niya at walang paalam na sinunggaban ng mahigpit na yakap ang kaibigan. "Salamat bess! Ang dami mo ng tulong sa 'kin." aniya. Naramdaman din niya ang paghimas ng palad ni Kelly sa kaniyang likod.
"What friends are for?" anito nang humiwalay sa kanilang yakap. "Ayoko lang na nahihirapan ka. And besides, malaki ang utang mo sa 'kin kaya kailangan mo talagang maghanap ng trabaho para makabayad ka na." pagbibiro pa nito pagkuwa'y sabay na napapalatak ng tawa ang dalawa.
"Oo nga! Mahaba na ang listahan ko sa utang ko sa 'yo. Idagdag mo pa ang ipangbabayad mo ngayon sa kakainin ko sa canteen." tumatawang saad niya. "Teka nga pala... 'di ba 'yong tita Yhanie mo 'yon ang sinasabi mong may-ari ng tindahan ng mga bag sa mall?" tanong niya habang tinatahak na nila ang mahabang pasilyo patungo sa canteen.
"Yup! And huwag kang mag alala, mabait si Tita. Mamaya isasama kita sa boutique niya para makilala ka niya."
"E, paano pala 'yan wala akong requirements—"
"Sinabi ko na kay tita na nawala ang mga requirements mo and okay lang naman daw sa kaniya kahit hindi ka na mag bigay as long as kilala kita at nila mama. She trusted me anyway." anito.
Nakahinga naman agad siya ng maluwag dahil sa mga tinuran ni Kelly. "Thank you talaga bess!" aniya at muling niyakap ang kaibigan.
"Welcome!"
PAGKATAPOS nga nilang kumain sa canteen ay sumaglit sila sa mall para puntahan ang tita ni Kelly. Tutal at mamayang hapon pa naman ang klase nila.
Sana nga at tanggapin ako ng tita ni Kelly. Ito na lang kasi ang chance ko sa ngayon dahil hindi naman ako makakapag-apply ng trabaho hanggat wala akong requirements. Sa loob-loob niya habang naglalakad na sila papunta sa boutique ng tita Yhanie nito.
Pagkapasok pa lamang nila sa isang mamahaling boutique ng mga bag ay agad na sumalubong sa kanila ang isang maganda at sexy na babae. Mukhang nasa late 60's na ito. Medyo may edad na pero maganda pa rin ang tindig at postura nito.
"Kelly hija..."
"Tita Yhanie, hello po!" bati ni Kelly at humalik pa sa pisngi nang babae.
Ito na pala ang tita niya. Sa isip-isip ni Devee habang kinakabahang nakangiti.
"How are you hija? Who's with you? Siya na ba si Devee ang kaibigan mo?" nakangiti ring tanong nito at binalingan ng tingin si Devee.
"Yes po Tita! Si Devee po. Siya po 'yong sinasabi ko sa inyo."
"Oh! Pretty. How are you hija?" matamis ang ngiting tanong nito.
"Goodmorning po ma'am! Okay naman po ako. Kayo po kumusta?" nahihiya pang tanong niya.
"Nah! Huwag mo na akong tawagin na ma'am... just call me tita Yhanie since you're Kelly's closed friend. Halika at sa office tayo mag usap saglit." anito.
"Go bess! Dito lang ako maghihintay." saad ni Kelly nang lumingon sa kaniya ang kaibigan.
Kinakabahan naman na napasunod si Devee sa tita ni Kelly. Pagkapasok niya sa opisina ng Ginang ay kaagad siya nitong pinaupo sa silyang naroon sa gilid ng lamesa nito.
"I know I can trust you Devee." nakangiting saad nito nang umupo ito sa swivel chair na nasa tapat ng lamesa. "You can start your job tomorrow."
"P-po? Tanggap po ako?" gulat na saad niya. Nabigla siya sa sinabi nito. Hindi pa man nag-iinit ang kaniyang puwet sa upuan. Hindi manlang ito nag tanong ng kahit ano'ng details tungkol sa kaniya, tapos bigla siya nitong tinanggap sa trabaho.
"Yes! And don't worry about your schedule, puwede kang pumasok anytime you want. Kapag tapos na ang klase mo. I know how important your studies kasi may anak din ako. Just let me know kung dadating ka na rito." masayang saad nito.
Kung hindi lamang nakakahiya para kay Devee, malamang na bigla niyang sunggaban ng yakap at halik sa pisngi ang Ginang dahil sa kaligayahan na kaniyang nararamdaman sa mga sandaling iyon.
"Thank you po ma'am."
"It's tita Yhanie."
"Thank you po t-tita Yhanie." kahit nakakailang para sa kaniya na tawagin ito ng ganoon ay ginawa na rin niya. "Thank you po talaga!" aniya at tumayo sa kaniyang puwesto at nakipag-kamay dito.
NAKAALIS na sila ni Kelly sa boutique ng tita nito, pero si Devee ay nakangiti pa rin ng malapad. Nag-uumapaw pa rin ang labis na saya at kaligayahan sa kaniyang puso dahil sa pag tanggap agad sa kaniya ng Ginang. Wala na siyang ibang aalalahanin sa ngayon kundi ang pangbayad na lamang sa upa niya sa bahay. At least, may trabaho na siya.
"Teka lang bess, iihi lang ako. Sasabog na pantog ko." aniya sa kaibigan habang naglalakad sila sa gitna ng mall.
"Sige! Sa foodcourt ako maghihintay. Bilisan mo bess."
Isang tango naman ang isinagot niya rito at nagmamadali ng lumayo at nag tungo sa pinakamalapit na comfort room.
"s**t!" sambit niya nang pagdating niya sa banyo ay maraming nakapila at gumagamit. Nako! Parang sasabog na talaga ang pantog ko. Sa isip-isip niya habang nakahawak sa kaniyang puson. "Miss puwede bang makisi—"
"Sasabog na rin pantog ko miss kaya maghintay ka." mataray na saad ng babae.
Ayokong mag kalat dito. Kakahiya! Sa isip niya. Mayamaya ay napalingon siya sa comfort room ng mga lalake. Parang walang tao at tahimik. Saglit na nagpalinga-linga siya sa paligid, nang masigurong walang taong makakakita sa kaniya 'tsaka siya patakbong pumasok sa loob ng banyo. Bahala na! Kaysa naman maihi siya sa pantalon niya.
Agad siyang pumasok sa isang cubicle na naroon. 'Tsaka lamang siya nakaramdam ng kaginhawaan nang mailabas niya ng lahat ang tubig sa kaniyang pantog. Nang maayos niya ang sarili; maisara ang zipper ng kaniyang pantalon ay saglit na pinakiramdaman niya ang paligid sa labas. Baka may taong pumasok at makita siya! Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto nang cubicle at sumilip doon. Nang masiguro niyang tahimik ang buong paligid at parang wala namang tao 'tsaka lamang siya lumabas doon.
Pero mayamaya, ganoon na lamang ang pagkagulat at panlalaki ng mga mata niya nang makita niyang may taong nakatayo sa tapat nang Urinals at umiihi. Sa pag atras niya'y nasagi niya ang trash bin na nasa gilid na siyang naging dahilan upang lumikha ng ingay at mapalingon sa kaniyang gawi ang lalake.
"Holy s**t! Fvck! What are you doing here?" pagmumura ng lalake at nagmamadali pang tumalikod kay Devee at isinara ang zipper ng kaniyang pantalon.
Pakiramdam ni Devee bigla siyang natuod sa kaniyang kinatatayuan dahil sa kaniyang nakita.
Jesus! My poor eyes! Paghuhumiyaw ng kaniyang isipan.
"Damn! This is not women's comfort room." anang inis na boses ng lalake na siyang nagpabalik sa ulirat ng dalaga.
Mabilis na nag angat ng kaniyang mukha si Devee. Guwapo! Adonis! Bulong niya sa satili.
"Hey! Miss, what are you waiting for?" anang lalake. "Tutunganga ka na lang ba riyan?"
"Tss! Ang arte. Maliit naman 'yang sa 'yo."
"What?" gulat at hindi makapaniwalang saad nang lalake.
Walang-hiya Devee, bakit iyon ang sinabi mo? Tarantang saad niya. Mayamaya ay bigla siyang nakaramdam ng kaba ng matalim na titig ang ipinukol sa kaniya ng lalake. Walang anu-ano'y kumaripas siya ng takbo palabas ng banyong iyon nang lalapitan na sana siya ng lalake.
"Hey! Come back her! You pervert." sigaw ng lalake habang tumatakbo na rin ito palabas ng banyo.
"Diyos na mahabagin, Devee hindi na Virgin ang mga mata mo." aniya sa sarili habang tumatakbo pa rin siya ng mabilis.