"HEY! Are you okay?" untag na tanong ni Ericjan kay Devee nang lapitan niya ito habang nakatayo sa gilid ng dalampasigan at nakatanaw sa malayo. Mabilis naman na napalingon sa kaniya ang dalaga. "Ahhh—" "Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik mo. May problema ba?" puno ng kuryusidad na tanong nito. Mabilis na humugot ng malalim na paghinga ang dalaga 'tsaka iyon pinakawalan sa ere. "Iniisip ko lang kung—kung dapat pa ba tayong mag sinungaling sa mga magulang mo! I mean, mabait sila! Mabait ang mommy mo. Parang kinakain ako ng konsensya ko dahil sa pagsisinungaling ko sa kaniya." malungkot na pagtatapat niya. "You know what... you don't need to feel that way. Kasi unang-una, hindi naman ikaw ang may pakana nang lahat ng ito. You're just my employee. Kagaya ng usapan natin, ibibiga