"ARE you tired misis ko?" malambing na tanong ni Ericjan sa kaniyang asawa habang magkatabi silang nakaupo sa harap ng isang lamesa. Bandang alas syete y medya na rin ng gabi. Kanina pa nag simulang mag uwian ang iba nilang mga bisita. Pero nahihiya naman ang mag-asawa na umalis sa venue na iyon gayo'ng naroon pa ang iba nilang mga kaibigan at kamag-anak. "Medyo! Pero okay lang, masaya naman ako." nakangiting saad niya at agad na ikinawit sa braso ng asawa ang dalawang kamay niya pagkuwa'y ipinilig ang ulo sa balikat nito. "Kawawa naman ang asawa ko." bulong ni Ericjan sa kaniya habang masuyong humahaplos ang palad nito sa buhok niya. "Let's go up stairs then." anito. "Dito tayo matutulog?" takang tanong niya at inalis ang ulo sa balikat ng kaniyang asawa. "Just for tonight. Ayoko na