"HOY! Kahapon ka pa matamlay at parang wala sa sarili mo. Okay ka lang ba bess?" Tanong ni Kelly kay Devee nang umupo ito sa tabi niya. Hindi niya manlang namalayan ang pagdating nito sa room nila. Paano, nakahalukipkip na naman siya sa arm chair niya. Nag eemot na parang ewan. "Bakit ang laki ng eyebags mo bess?" tanong pa nito nang makita nito ang haggard na mukha ng kaibigan. Isang malalim na buntong-hininga lang ang pinakawalan niya sa ere pagkuwa'y muling sumubsob sa arm chair niya. "Bess, may nagawa ba akong kasalanan sa 'yo na hindi ko alam?" mayamaya ay tanong ni Kelly sa kaniya na sumilip pa sa ilalim ng braso niya. "Tell me please! Alam kong nagtatampo ka sa 'kin." malungkot na saad nito at lumabi pa sa kaniya. "W-wala." aniya at mabilis na nag iwas ng tingin dito. "Alam k