"MA'AM DEVEE!" Bigla siyang napalingon sa may main door nang marinig niya roon ang boses ni Marie. "Bakit Marie?" tanong niya. "Malamig na po riyan sa labas. Kung gusto n'yo po sa itaas na po kayo at ako na po ang maghihintay kay sir Eric na dumating." anito habang naglalakad palapit sa kaniya. Napayakap sa sarili niya si Devee nang muli siyang makaramdam ng lamig. "Hindi na! Mag pahinga na rin kayo roon. Ako na ang bahalang mag hintay sa asawa ko." aniya. "Sigurado po kayo ma'am?" Ngumiti siya sa babae pagkuwa'y itinaas ang bisig upang tingnan ang orasan niya roon. "Alas dyes na. Mag pahinga na kayo roon ni ate Aning. Huwag mo na akong alalahanin dito." saad pa niya. "Sige po ma'am! Pero kung may kailangan po kayo, tawagin n'yo lang po ako sa kuwarto." anito. Tumango naman siya at