CHAPTER 38

2803 Words

MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Devee sa ere pagkuwa'y tumihaya sa pagkakahiga niya. Muli niyang binalingan ng tingin ang kaniyang asawa. Tulog na ba talaga siya? Tanong niya sa isipan. Halos isang oras na simula nang humiga siya sa kama nila; kanina pa rin niya pinapakiramdaman ang katabi, pero hindi manlang ito kumikibo kapag sinusubukan niyang kumilos. Ano na naman ba ang problema nito at bigla na lamang naging ganoon ang mode nito? Sa isip-isip niya ulit. Tumagilid siya paharap sa kaniyang asawa. Nakatalikod pa rin ito sa kaniya. Bagay na hindi nito ginagawa simula no'ng maging mag-asawa sila. Ngayon lamang ito tumalikod sa kaniya sa pag tulog. "Mister ko!" tawag niya rito. Pero kagaya kanina'y hindi manlang ito sumagot sa kaniya. "T-tulog ka na ba?" tanong pa niya pagkuw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD