"SO, ANO NA? Sasabihin mo na ba sa 'kin?" Nagulat pa si Devee nang biglang sumulpot sa harapan niya si Kelly. Abala kasi siya sa pagkukuwenta ng buong araw na kita sa boutique ng Ginang kung kaya't hindi na niya ito napansing lumapit sa puwesto niya. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. "Ano ba naman 'yan bess! Aatakihin ako nito sa puso dahil sa 'yo e!" reklamo niya. "Sige na kasi! Alam kong may—" "Oo na! Ito na po!" putol niya sa iba pa nitong nais sabihin sa kaniya. Aandar na naman kasi ang bunganga ni Maria Kelly De Asis. Inirapan niya ito 'tsaka iniligpit ang perang natapos na niyang i-compute. Titingnan na lang din iyon ng Ginang bukas ng umaga bago i-deposit sa bangko. "Ganito kasi siya bess..." panimula niya. Medyo kinakabahan pa siya. Nag aalala pa rin kasi siya sa maaaring m