"BILISAN mo na diyan. Male-late na tayo." sigaw ni Devee mula sa labas ng pinto ng banyo ni Ericjan. Kanina niya pa ito tinatawag at pinagmamadali sa pag ligo, pero halos mag iisang oras na ito sa loob ng banyo at mukhang wala pa atang balak na lumabas. "Eric! Male-late na ako." naiinis na muling sigaw niya. 'Tsaka naman bumukas ang pinto ng banyo at iniluwa roon ang lalakeng kanina niya pa kinaiinisan. "I'm sorry, commander! Ito na nagmamadali na nga." saad pa nito at binale-wala ang matalim na titig ng dalaga sa kaniya at nag tuloy na palapit sa closet nito para mag hanap ng damit niya. "Kanina pa kita sinasabihan e! Pinaiinit mo talaga ang ulo ko." turan niya habang nakapamaywang na nakatayo sa gilid ng kama nito. "Huwag ng uminit ang ulo mo, wife! Papanget ka niyan lalo." anas nito