"WIFE, What? I'm waiting for your answer." anang Ericjan habang malungkot ang mga titig nito sa dalaga. Nakaluhod pa rin ito sa harap ni Devee habang hawak nito ang singsing na may malaking bato at napapalibutan ng maliliit na kumikinang na dyamante. "I love you Devee! Please!" "A-anong sasabihin ko?" tanong niya habang sumisinghot pa at mabilis na pinunasan ang luhang unti-unti ng natutuyo sa pisngi niya. Mabilis namang sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi ng binata. "Just say I do my love! Ngayon at sa harap ng Paring mag kakasal sa 'tin." anito. "I love you Ericjan! I do! Magpapakasal ako sa 'yo." nakangiti ng sagot niya. Agad namang tumalima si Ericjan para kunin ang kamay niya at isinuot doon ang singsing pagkuwa'y tumayo at walang paalam na ikinulong sa mga palad nito ang mu