"IT'S MY MOM'S birthday next week. So, I intend to introduce you to them." Biglang napalingon si Devee kay Ericjan nang marinig niya ang sinabi nito sa kaniya. Kunot ang noo na napatitig siya rito. Mayamaya ay wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway kasabay ng pag sibol ng kakaibang kaba sa kaniyang dibdib. "N-next week agad? Agad-agad talaga?" nauutal na tanong niya rito. Tango lamang ang naging sagot ng binata habang nakaupo pa rin ito sa gilid ng swimming pool. "Ang bilis naman ata? Hindi pa nga ako handa. Paano ang gagawin ko? Natin? Paano kung mabuko agad tayo? Masungit ba ang mommy mo? Baka mamaya niyan, bigla nalang siyang magalit sa 'kin... ipahiya ako sa mga bisita niya. 'Yong tipong pang telenobela talaga, alam mo 'yon?" sunod-sunod na tanong niya. Umiral na naman