NASA LIKOD ng pinto si Ericjan habang nakasilip ang ulo nito sa loob ng kuwarto ni Devee. Kanina pa siyang nakatayo roon habang hinihintay na lumabas mula sa banyo ang dalaga. "Oh! Ba't hindi ka pumasok? Sisilip ka nalang ba diyan?" tanong ni Devee nang pagkabukas niya sa banyo ay nakita niya ang binata na nakatingin sa direksyon niya. Mabilis namang sumilay ang malapad na ngiti sa mga labi ng binata pagkuwa'y nagmamadaling niluwagan ang pagkakabukas ng pinto at dali-daling pumasok. "Baka kasi magalit ka na naman, kaya hinintay ko muna na papasukin mo ako, wife!" anito at pasalampak pang humiga sa kama. Napairap naman si Devee bago nag tuloy sa kaniyang closet at naghalungkat doon ng isusuot niya. "Why?" takang tanong ni Ericjan sa nobya. "What why?" balik na tanong niya nang balingan