PAIKA-IKANG naglalakad si Devee sa hallway ng kanilang eskuwelahan dahil sa paa niyang medyo namamaga na naman. Wala kasi si Kelly at absent ito dahil may pinuntahan daw na importante kung kaya't mag-isa lamang siya ngayon. Kung alam niya lang sana na hindi pala ito papasok, sana hindi na rin siya pumasok kanina tutal at hindi naman na maayos ang klase nila dahil busy na rin ang lahat para sa nalalapit nilang graduation. Gusto niya ng umupo at mag pahinga dahil ramdam niya talaga ang pag kirot ng paa niya. Pero wala naman siyang magagawa kundi ang mag lakad para makauwi na. Pinilit niyang mag lakad hanggang sa makarating na siya sa first floor ng building nila. Muntikan pa siyang mabangga nang mga kababaehan na nagtitilian sa may hagdan na akala mo naman nakakita ng artista kung makatili