CHAPTER 2

1211 Words
"SALAMAT nga pala ulit sa pag libre mo sa `kin bess huh!" saad ni Devee kay Kelly habang nag lilibot sila sa loob ng mall. Pagkatapos kasi nilang kumain sa isang fast food ay nag aya ang kaibigan niyang si Kelly na mamasyal muna bago umuwi. "Wala `yon. `Tsaka dapat lang talaga na mag celebrate tayo kasi c*m Laude ka." nakangiting tugon nito habang nakayakap sa braso ng kaibigan. "Kumusta pala `yong paghahanap mo ng bagong trabaho?" mayamaya ay dagdag na tanong nito. Napabuntong-hininga naman ng wala sa oras si Devee. "Ayon! Wala pa rin. Kahapon nag apply din ako kung saan-saan. Tatawagan na lang daw. Pero hindi naman ako umaasa roon. 50/50 na `yon." malungkot na sagot nito. Kung bakit naman kasi ang mga HR ay hindi tumatanggap sa mga aplekanteng wala pang experienced sa trabahong ino-offer nila. Paano naman magkakaroon ng experience ang mga gustong mag trabaho na katulad niya kung hindi naman nila bibigyan ng pagkakataon 'di ba? Kaya nga mag a-apply, para magkaroon ng experience. "Hayaan mo na, I know makakahanap ka rin ng trabaho." anang Kelly. "E, `yong sa apartment mo?" tanong nitong muli. Mas lalong nangalumbaba si Devee nang maalalang muli ang mataray at matandang Land Lady niya. Paniguradong sasalubungin na naman siya nito mamaya pagkauwi niya para singiling muli. "E, kung tanggapin mo na muna kasi `yong pinapahiram ni mama sa `yo para may pang bayad ka na at hindi mo na kailangan na maghanap ng alibi kay Aling Barbara." "Bess, nakakahi—" "Lagi ka nalang nakakahiya Devee! Kaibigan naman kita, at kilala ka na nila mama at papa since first year college pa tayo. And besides, sila naman ang nag aalok ng tulong sa `yo. Paano kung pag uwi mo mamaya palayasin ka na talaga nang land lady mo? Saan ka naman pupunta? E ayaw mo rin naman sa bahay." lintayang saad nito sa kaibigan pagkuwa'y. Nakakahiya lang kasi kung muling tatangap si Devee ng tulong mula sa pamilya ni Kelly. Oo may kaya sila sa buhay. Hindi sila naghihirap sa pagkain at sa pera. Oo sila na ang nag aalok ng tulong kay Devee. Pero nakakahiya pa rin. Mula noong maging kaibigan niya si Kelly, ang pamilya na nito ang laging tumutulong sa kaniya. Pagkain. Gamit. Maging financial man. Hindi naman siya `yong tipo ng tao na abusado. Kahit papaano ay nakaka-survive naman siya sa araw-araw na kinikita niya sa kaniyang part time job. Iyon nga lang ay nagigipit siya pagdating sa bahay na tinitirahan niya. "Oh!" anang Kelly na umagaw sa atensyon ni Devee mayamaya. Huminto ito sa paglalakad at hinarap ang kaibigan. Kunot noo namang napatitig si Devee sa kamay nitong nakalahad sa kaniya. "Tanggapin mo na!" saad nito at kinuha ang kamay ni Devee upang ilagay ang pera doon. "Huwag na Kelly. May pera pa—" "Huwag ka ng mag sinungaling sa `kin bess. Kilala na kita. Hindi ka sasama sa `kin dito at mag papalibre kung may pera ka pa talaga." putol nito sa iba pang sasabihin ng dalaga. Biglang natahimik si Devee. Kilala na nga talaga siya nito. "Okay sige ganito na lang! Tanggapin mo ang pera na `yan tapos bayaran mo na lang ako kapag may trabaho ka na." Aniya. "Huwag mo na lang isipin na bigay ko `yan sa `yo. Utang na lang." "S-sigurado ka bess?" nauutal pang tanong nito. Alam kasi ni Devee na sariling pera 'yon ng kaibigan niya. 'Yong mga tira-tira nitong allowances everyday. Kung sabagay ay malaki naman kung mag bigay ng allowance ang parents nito kaya nakakapag ipon din ito. "Sure ako." sagot nito. "Para din may magamit ka sa pag a-apply bukas. Huwag kang mag alala at makakahanap ka rin ng trabaho. `Tsaka malapit naman na din tayong mag graduate e! Matatapos din `tong paghihirap mo. Trust me." "Salamat talaga bess huh! Hulog ka talaga ng langit sa `kin." aniya at wala na ngang nagawa kundi ang tanggapin ang pera na inaabot nito sa kaniya kahit pa nahihiya siya. "Aray! Ang sakit naman no'ng hulog ng langit." natatawa pang saad ni Kelly pagkuwa'y muling yumakap sa braso ni Devee. "Salamat talaga bess. Huwag kang mag alala, kapag nakahanap ako ng trabaho babayaran agad kita." nakangiting saad nito. "Huwag kang mag pasalamat, utang naman kasi `yon e! `Tsaka ililista ko `yon mamaya." Tumatawang pag bibiro pa nito. "Oo. Lista mo lang, at kapag nakahanap ako ng 1M `tsaka kita babayaran." tumatawa ring saad ni Devee. Hanggang sa makalabas na sila ng mall. "Sige na bess. Ingat ka huh! Sure ka ayaw mo ng sumabay sa `kin? Ihahatid na lang kita pauwi." anang Kelly. "Okay lang ako! Sige na mauna ka na. Mag iingat ka." saad ni Devee matapos yakapin ang kaibigan at halikan ito sa pisngi. "Sige. Ingat ka huh! Bye. Kita na lang tayo bukas." anito bago tuluyang umalis. Mayamaya pa ay nakasakay na rin si Devee ng jeep pauwi. Pagkababa pa lang niya sa jeep ay kaagad niyang inilibot ang paningin sa buong paligid, baka nariyan na naman ang pandak na Land Lady niya. Baka mamaya magugulat na lamang siya na nasa harap niya na pala ito at maniningil na naman sa kaniya. "Psssttt!" sutsot niya kay Awra, ang bading na kapitbahay niya. Nakatambay ito sa tindahan ni Aling Tasing habang nakikipag landian sa dalawang lalake. "Ay mare! Andiyan ka na pala!" anito at mabilis na lumapit sa dalaga. "Si Aling Barbara? Nakita mo?" tanong niya. "Hindi e! Parang umalis ata. Pero kanina hinanap ka." anito. "Gano'n ba? Basta kapag nag hanap sa `kin sabihin mo—" "Devee... mabuti naman at nandiyan ka na!" Agad na natigilan si Devee sa kaniyang kinatatayuan nang madinig ang matinis na boses nang matandang pandak na iyon. Wala sa sariling napapapikit na lamang ito ng mariin pagkuwa'y nakagat ang kaniyang pang ibabang labi. Sinasabi niya na nga ba e! Nako! Nalintikan na naman ako nito. Sa isip-isip ni Devee. "Ano na? Kumusta ang renta ng bahay ko?" tanong nito habang parang penguin na naglalakad palapit sa dalaga. Nakapamaywang pa ito. "Aling Barbs ito na pala si Devee o!" anang Awra na itinuro pa ang dalaga. "Magandang gabi po aling Barbara." nakangiting bati ni Devee sa matanda nang harapin niya ito. "Ano ngingiti ka na lang ba sa `kin?" mataray na saad nito. Napapahiyang tumungo na lamang ang dalaga. "Aling Barbara, pasensya na po muna. Naghahanap pa po talaga ako ng pera sa ngayon." aniya. "Pasensya! Pasensya! Puro na lang pasensya. Aba! Hindi ako yayaman sa pasensya mo Devee—" "Ma! Gabing-gabi na boses mo na naman ang nadidinig ng mga kapitbahay natin." anang Keiedrian, binatang anak ni Aling Barbara. Naglakad ito palapit sa ina. "Gusto ka raw makausap ni ate. Nasa Skype." dagdag pa nito. "Hi Devee!" malapad ang ngiti na bati nito sa dalaga. Napapabuntong-hininga naman ang matandang Barbara pagkuwa'y masamang tingin ang ipinukol kay Devee. "Mag bayad ka sa `kin Devee." huling saad nito bago nagmamadaling naglakad ulit pabalik sa bahay nila. "Salamat." nahihiyang saad ni Devee kay Keiedrian. "Wala `yon! Pasensya ka na sa mama ko. Parang armalayt ang bibig pagdating sa `yo." napapakamot pa ito sa ulo. "S-sige! Mauuna na ako huh! Salamat ulit." anang Devee at nagmamadali pang naglakad palayo. "Ingat Devee." habol na saad ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD