NAKAUPO siya sa kaniyang swivel chair. Nasa loob siya ng kanilang department at hanggang ngayon ay lutang pa rin ang isip niya. What happened last night was playing over and over again in her head. Talaga bang hinalikan siya ni Gavin? Ano naman kaya ang nakain nito at nagawa nito iyon? Samantala noon ay diring-diri ito sa kaniya. Hindi niya talaga ito maintindihan. “Bakit mo kami iniwan kagabi, huh?!” Nabalik sa ulirat ang kaniyang isip nang sikuhin siya ni Stacey. “Nagsasayaw lang kami tapos noong pagbalik naming ay wala ka na. Sumama ka sa kung sinuman ang nakilala mo kagabi `no?” Siniko-siko siya ni Stacey habang nang-aasar. Bigla siyang kinabahan. Sasabihin niya bang sumama siya sa isang stranger? Ang malala pa nito ay natulog siya sa condo unit ng strangherong nakilala