THEY were inside the bar now. Iba’t ibang inuming alak ang in-order ng mga katrabaho niya. Nagsimulang mag-inom ang mga ito maliban sa kaniya. Noon pa man ay hindi na talaga siya nainom. Hindi niya gusto ang lasa ng alak. “Ayana, don’t be a killjoy. Hindi na tayo mga bata.” Si Stacey. Kanina pa siyang pinipilit ng mga ito na tikman ang mga alak na binili ng mga ito. “Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi ako umiinom?” Kaunti na lang talaga ay maiirita na siya sa mga ito. “C`mon, girl! Hindi naman magagalit si Evan kung iinom ka ngayong gabi!” Tumatawang sambit ni Mica at nagawa pa siyang sikuhin. She rolled her eyes. “H`wag mo nga akong asarin kay Evan.” Nakanguso niyang sabi. “Then, drink and we’ll never tease him with you.” Para matapos na ang pan