Chapter 9

1366 Words
REESE' POV Hindi ako makapaniwala na nasa harapan ko ngayon ang lalakeng nakilala ko lang sa parke at ngayon naman ay magiging kaklase ko pa. "Omg! May gwapo na naman tayong classmate, girl!" "Oo nga. Ang daming blessings na dumadating sa atin this year!" "Para siyang model. He's really handsome and tall, too!" Pati ang mga kaklase kong babae ay manghang-mangha sa kagwapuhan ng Austin na 'to. Oo na, gwapo naman talaga siya pero ang yabang kasi ng dating niya at sa dinami-rami ng school sa Pilipinas ay sa YGA pa talaga siya nagtransfer? Ayoko man mag-assume pero parang sinusundan niya yata ako para lang sirain ang araw ko. Pagkatapos ng pagpapakilala ni Austin sa amin ay pinaupo na siya ni Prof Pablo sa magiging seat niya at sa kamalas-malasan pa ay nasa likod ko lang siya malapit sa upuan ni Sky. Nang madaanan niya ako ay nginitian niya ako. "Hi, Reese! Dito ka rin pala nag-aaral? Sorry, hindi ko alam, e." Napairap na lang ako. "Magkakilala pala sila ni Reese?" "Maybe? Nakita mo na ngang nag-uusap sila, 'di ba?" "Lahat na lang ng gwapo ay kay Reese lumalapit." "Sa ganda ba naman niya sinong lalakeng hindi lalapit diyan?" Napatingin tuloy ako sa mga kaklase ko at lahat sila ay nakatingin sa amin. Nakita ko naman si Ryu na nakatitig na ng masama kay Austin. Hays! "Oo. Dito nga ako nag-aaral kaya ngayon alam mo na." Sarkastikong sabi ko at hindi na siya pinansin pa. I heard him laughed bago siya umupo sa upuan niya. "Sungit talaga." Kanina pa ako naaasar sa kanya. Gusto ko na tuloy mag-uwian na para hindi ko na makita ang Austin na ito! Wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero hindi ko alam kung bakit naiinis talaga ako sa kanya. Siguro ay dahil ayoko lang sa mga lalakeng mataas ang confidence masyado at GGSS. (Gwapong-Gwapo Sa Sarili) Natapos ang klase namin na walang Sky na dumating. Absent si Mr. Sungit pero ang sabi naman ni Ailah ay kahit umabsent pa 'yang si Sky ay hindi makakaapekto iyon sa pagiging Consistent topnotcher niya. Edi siya na ang matalino! Buong klase kong hindi pinansin ang presensya ni Austin na nararamdaman kong tinititigan ako. Wala nga si Sky pero may pumalit naman sa pagiging over kung makatingin sa akin. Seriously, ano bang problema nila? Mukha ba akong exotic o alien para titigan nila ng ganon? Minsan kasi ang creepy na rin. Nagsitayuan na kami pagka dismiss sa amin ni Prof. Lumapit naman sa akin sina Ailah at Ryu at nang mapatingin ako kay Austin ay kinakausap na siya ng mga kaklase naming babae. Nakangiti pa ang loko. Chickboy confirmed. "Oy Reese! Kanina ko pa napapansin na palagi kang tinitignan niyang transferee na si Austin. Magkakilala na ba kayo? Nakita kasi namin kanina na kinausap ka niya." Tanong ni Ailah sa akin. Nagkibit-balikat na lang ako at ayoko nang sabihin sa kanya na nagkakilala na kami ni Austin. "H-hindi ah. May tinanong lang siya sa akin kanina kaya niya ako kinausap." Tumango lang doon si Ailah at hindi na muling nagsalita pa. Ryu is still quiet at mukhang may malalim na iniisip. "Ryu, are you okay?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Yes. I'm okay. Umuwi na tayo?" tanong niya at kinuha na ang bag ko. Tumango ako at inayos na ang aking sarili. Lalabas na sana kami sa classroom namin nang nilapitan ako ni Austin at iniwan ang mga babaeng kausap niya. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Ailah at pag-iwas ng tingin ni Ryu pagkalapit sa akin ni Austin. "Uuwi na ba kayo?" Tanong ni Austin. Dahil ayaw ko namang maging rude kahit naiinis ako sa kanya ay sinagot ko pa rin ang tanong niya. "Oo. Bakit?" Ngumiti na naman siya at na-expose ang chinito niyang mga mata. Bakit ba ang hilig ngumiti ng lalakeng ito? "Sasabay na lang sana ako sa inyo pauwi tutal nagkakilala naman na tayo sa park." Oh no! Napapikit ako at nagmulat saka tumingin sa mga kaibigan ko. Wala na, nabuking na ako na nakilala ko na si Austin! "N-Nagkakilala na pala kayo?" Gulat na tanong ni Ryu sa amin. Nakangising tumango naman si Austin. "Oo. Hindi ba, Reese?" Dahan-dahan na lang akong tumango. Napakunot-noo naman si Ryu at bumaling ito sa akin. "Nagpunta ka pala sa park nang hindi ko alam." Matabang niyang sabi at umiling ito. Hindi na lang ako kumibo. Natahimik kami pero 'di kalaunan ay nagsalita na si Austin. "So, ano Reese? Pwede ba akong sumabay sa inyo?" Magsasalita na sana ako nang bigla namang sumabat si Ryu. "Hindi pwede. May pupuntahan pa kasi kami ni Reese." he seriously said. "Oh. Boyfriend ka ba niya?" Austin smirked. Nanlaki naman ang mga mata namin ni Ailah dahil sa sinabi ni Austin. Nakita ko ang pagkuyom ng kamao at pagtiim ng panga ni Ryu pero huminga na lang ito ng malalim. "B-Bestfriend niya ako." I saw Austin smiled at tumango na lang. "Ah. Bestfriend ka lang pala." Hindi na ako nakapagpigil pa at kinausap ko na si Austin. Parang gusto niya pa yatang gumawa ng eksena dito, e! "May lakad pa kami kaya mauuna na kami. May excuse us." Sabi ko at hinila na si Ryu papalabas ng classroom namin. Tumango na lang sa akin si Ailah na naiwan rin sa classroom at sumenyas na mauna na raw kami. Pagkalabas namin ng YGA ay hinarap ako ni Ryu na tila naiinis na. "Obvious naman na gusto ka ng Poncio Pilatong transferee na 'yon! Layuan mo siya, ayoko ng presensya niya at masyado siyang mahangin." Medyo pasigaw niyang sabi na ikinagulat ko naman. "Huwag ka ngang sumigaw, Ryu. Nakakahiya," Suway ko. Pinagtitinginan na kasi kami ng mga taong nandito sa labas ng YGA dahil sa pagtataas ng boses niya sa akin. "Kare wa o shirida! Watashi wa kare o korosudarou!" [He's an asshole! I will kill him!] Nanggigigil niyang sabi at hinampas nito ng malakas ang gate ng YGA. Hinawakan ko na lang ang braso ni Ryu at hinimas-himas ito para kumalma siya. Ganito siya kapag nilalapitan ako ng ibang lalake. Ngayon na alam kong may gusto siya sa akin ay ayoko pa rin masaktan ang damdamin niya. "Tama na, Ryu. Sige, hindi ko na siya ulit lalapitan pa." sabi ko. Unti-unti namang kumalma si Ryu sa sinabi ko at hinawakan nito ang kamay ko. "Ano nga pala 'yung sinasabi niyang nagkakilala na kayo sa park? Bakit hindi ko alam 'yon?" Tanong niya. Napayuko ako. "Nung time na nagconfess ka sa akin na gusto mo ako at bigla na lang akong nag-walk out ay naisipan kong magpunta na lang sa park na malapit sa YGA. Sobra lang akong nabigla sa mga sinabi mo that time kaya kailangan ko ng lugar kung saan ay makakapag-isip at makakapagrelax ako ng maayos kaya naisipan kong magpunta do'n. Then out of nowhere ay nandoon rin siya sa park at sumulpot sa tabi ko. Kinulit niya ako ng kinulit kaya binigay ko ang pangalan ko sa kanya." Mahabang paliwanag ko. Ayokong sabihin na pati ang cellphone number ko ay binigay ko na rin kay Austin dahil alam ko na magagalit si Ryu kapag nalaman niya iyon. Natahimik naman si Ryu at umiwas ito ng tingin sa akin. "Okay. 'Wag na natin siyang pag-usapan. Let's go home." sabi niya at hinawakan na ang kamay ko papunta ng parking lot. Nang nasa parking lot na kami ay akmang papasok na sana kami sa loob ng kotse ni Ryu nang may humawak sa kabilang braso ko. Napatingin ako sa taong iyon at halos bumuntong hininga na ako sa inis dahil si Austin na naman ang nakita ko. "Hi Reese. Uuwi ka na?" Sabi niya at binitawan na ang kamay ko nang mapansin niyang nakatitig na sa kanya ng masama si Ryu. Lumapit naman si Ryu kay Austin. "Hindi mo ba talaga titigilan si Reese?" Bigla akong kinabahan dahil nakakatakot na ang itsura ngayon ni Ryu. Parang papatayin na niya sa sama ng titig nito si Austin. Imbes na matakot si Austin doon ay ngumisi lang ito kay Ryu at nagpamulsa pa. "Bakit ko naman siya titigilan? Boyfriend ka ba niya? Hindi naman 'di ba?" Maryosep! Gulo na naman ba ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD