REESE' POV
"Hindi kita titigilan hangga't hindi ka napupunta sa akin. Dahil sa akin ka lang, Vereese Santillan..."
Then my heart suddenly beats faster because of what he said.
Why I feel this way to him?
Bakit sa mga ganitong salita ni Sky ay parang may kung anu-ano nang umiikot sa loob ng sistema ko? Remember Reese, this guy is a rapist, cold, mysterious, quiet and dangerous pero bakit kahit takot na takot ako sa kanya ay hindi ko pa rin magawang tuluyan siyang layuan?
Dapat nga ay matagal ko na siyang ipinakulong dahil sa mga ginawa niya sa akin pero ayoko lang na bigyan pa ng problema ang pamilya ko kaya nagtitiis na lang ako sa mga nangyayari ngayon.
Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak. I heard him sigh at lumayo ng kaunti sa akin.
"Tsk! Bakit ba kahit anong gawin ko ay hindi mo pa rin ako magawang pansinin? Dinaan ko na nga sa dahas ang lahat pero wala pa rin. Ano bang dapat kong gawin para magustuhan mo rin ako? Kasi, Reese hindi ko alam pero.. hulog na hulog na ako sa'yo at ayaw na kitang pakawalan pa." he seriously said.
Napaangat ako ng tingin sa kanya nang nakaawang ang bibig.
Ito ang unang pagkakataon na nagsalita siya nang hindi ako natatakot sa kanya. He seems so serious and sincere at dahil sa sinabi niya ay bumibilis na naman ang t***k ng puso ko.
Huminga ako ng malalim at tinignan siya ng seryoso. "B-bakit ba sa akin ka pa nagkagusto? You're almost perfect. Ina-admire ka ng mga tao lalo na nang mga babae dahil gwapo ka, matalino, at higit sa lahat ay may maipagmamalaki. Why you t-took my virginity and hurt me so many times? Bakit mo dinadaan sa dahas ang lahat, Sky? I thought you like me pero sinasaktan mo ako dahil sa ginagawa mo. Hindi mo ba naisip na kung naging mabait ka lang sa akin ay baka nagustuhan na kita?" umiiyak kong sabi.
Natigilan naman ito sa sinabi ko at natulala.
I knew it, he's not like this. May rason siya kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Maybe he's hurted before?
I don't know but I can feel it. Nanghihina siyang lumayo sa akin at yumuko ito. He's deeply thinking right now.
"I-I didn't took your virginity, Reese." Bigla niyang sinabi na ikinagulat ko.
"Really? Pero may ipinakita kang video sa akin na-" Bigla kaagad siyang nagsalita.
"I drugged you inside the clinic. I was too desperate to have you kaya ginawa ko ang bagay na 'yon. Nawala ka sa sarili mo dahil sa epekto ng drugs na pinainom ko sa'yo. I was about to take you nang may kumatok sa labas ng clinic at nakatulog ka na kaya hindi ko naituloy ang balak kong gawin sa'yo." Hindi makatingin niyang sabi sa akin.
Gulat na gulat ako sa sinabi niya at namuo na lang bigla ang galit sa puso ko. He drugged me?
Tama nga ang hinala ko na pinainom niya ako ng gamot. Kaya pala wala akong maalala sa mga nangyari noon. Kaya pala nang chineck ni Kuya Reevo ang kalagayan ko ay sinabi niyang na-overdosage ako sa isang gamot ayon pala ay dahil iyon sa ipinainom sa akin na drugs ni Sky.
I cried at pinaghahampas siya sa dibdib niya pero natahimik lang siya at hinahayaang hampasin ko ito.
Pinaniwala niya akong may nangyari sa amin kaya pati si Austin na willing makipagkaibigan sa akin ay nagalit at iniisip na isa akong malanding babae.
"I hate you! I hate you because you lied to me, for hurting me and for threatening me! I will never be yours, Sky and I will never like you or even love you!" I shouted at him.
Nakita ko sa mga mata niya ang sakit ng mga sinabi ko. Napakuyom siya ng kamao doon at nagtiim-bagang pero 'di kalaunan ay ngumiti lang siya sa akin at umiling.
"At sino ang para sa'yo? 'Yung bestfriend mo na boyfriend mo na? Bakit ba nagtitiwala ka sa lalakeng 'yon? Do you know the real him?" Then he smirk.
"Of course, I know him. He's my bestfriend since we we're young. Malaki ang tiwala ko kay Ryu at higit sa lahat ay nirerespeto at ginagalang niya ako." I said.
Kilala ko si Ryu, sa tagal naming magkaibigan ni minsan ay hindi niya ako sinaktan at alam kong totoo siya sa akin.
He never lied to me. Si Sky ang mapagpanggap at sinungaling sa kanilang dalawa ni Ryu.
Umiling naman si Sky sa sinabi ko at tinitigan ako ng diretso sa mga mata ko. "You don't know the real him, Reese. You're too blinded by his actions when he's in front of you. Believe me, he's dangerous and obsessive to you." he said.
Hindi na ako nakapagpigil pa at sinampal ko siya sa pangalawang pagkakataon. Hindi siya nakapagsalita sa ginawa ko at nagtiim-bagang na lang.
"Huwag mong siraan sa akin si Ryu!" Umiiyak kong sabi at lumabas na ng cr leaving him speechless.
Imbes na dumaan ako sa kwarto naming magkakagrupo ay dumaan na lang ako sa backdoor papalabas ng Hotel Room namin at iniwan na lang doon ang mga damit kong pamalit.
Umiiyak akong lumabas papunta sa Garden area ng hotel. Mabuti na lang at gabi na kaya wala nang masyadong tao dito.
Umupo ako sa isang mahabang bench ng Garden area na gawa sa artificial Bermuda Grass at napatulala na lang.
Napapagod na ako, nasasaktan at nahihirapan. Hindi ko na alam kung sino o ano ang paniniwalaan ko. Para bang lahat na lang ng mga taong nasa paligid ko ay kokontra sa taong malapit sa akin.
Ang mga kapatid ko, si Austin at maging si Sky ay may duda rin kay Ryu. Ano bang problema nila kay Ryu? Gusto ba nilang siraan kami para sa kanila na mapunta ang atensyon ko? Hindi mangyayari iyon dahil simula pa lang noon ay si Ryu lang ang nakakaintindi at nandiyan para sa akin.
Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin. Napahinto ako at nakita ang isang napakagwapong lalake na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng anim o pitong taon. Nakasalamin ito at bagsak ang buhok niya, matangkad rin ito at medyo singkit. He looks professional.
Ngumiti siya sa akin at tinignan ang suot niyang relo. "Paupo muna ako, ha? Hinihintay ko pa kasi 'yung asawa ko e, nangawit na ako sa kakatayo. Ngayon ko lang napansin na may upuan pala dito." Natatawa niyang sabi habang ako naman ay nakatulala pa rin sa kanya.
May asawa na pala siya. Ang swerte siguro ng asawa niya sa kanya dahil willing siyang hintayin ito kahit gabi na.
Nang matauhan ako sa pagkakatulala kay kuya ay tumango na lang ako at umayos ng upo ko.
"Okay lang po. Mahaba naman po 'tong upuan. Hintayin niyo lang po dito ang asawa niyo." Nakangiti kong sabi.
Napatitig naman siya sa akin sandali. "You kinda reminds me of my wife." Sabi niya.
"Ha? Bakit naman po?" Tanong ko.
Inayos niya ang kwelyo ng suot niyang polo shirt at ngumiti sa akin. Ang hilig niyang ngumiti pero bagay naman sa kanya iyon kasi ang gwapo-gwapo naman talaga ni Kuyang Pogi.
"You're beautiful, simple and innocent and I bet that many guys will definitely have a crush on you or maybe like you." nakangiti niyang sabi. Namula naman ako sa sinabi ni Kuyang Pogi at napakagat-labi.
Marami nang lalake ang nakapagsabi sa aking crush o gusto nila ako including Ryu and Sky pero kay Sky talaga ako pinaka naaapektuhan at hindi ko alam kung bakit.
"Talaga po? Sigurado po ako na mabait ang asawa niyo katulad ko." Pagbibiro ko na ikinatawa ni Kuyang Pogi.
Kanina lang ay umiiyak ako tapos ngayon naman ay nakikipagtawanan na ako sa isang stranger? Ang weird ko yata.
"Yes. She's very nice although I hurt her so many times." Biglang sumeryoso ang mukha ni Kuyang Pogi at tumingin ito sa malayo.
Nacurious naman ako sa sinabi niya. "Bakit niyo naman po siya nasaktan ng ilang beses?"
He smiled, a sad one.
"Naging obsessed kasi ako sa kanya noon at dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nasasaktan ko na pala siya. Tinanggalan ko siya ng kalayaan noong naging kami. Naging possessive at desperado ako sa kanya kaya sa bandang huli ay nasira ang relasyon namin nang dahil sa kagagawan ko." Ngumiti ulit siya at pinaglaruan ang maliit na bato sa bermuda grass ng garden.
Naging obsessed si Kuyang Pogi?
"Hindi ko po akalain na magiging obsessed kayo kuya. Sa itsura niyo po ay hindi halata." Sabi ko.
He smiled again for the 'nth time. "Obsession is really bad but it can be good sometimes. Kung may obsession ka na magpagaling at baguhin ang sarili mo para sa taong mahal mo ay hindi na masama 'yon. Too much love will mislead you for the misunderstandings, jealousy, pain and hurting kaya kung may mahal ka, you should always consider his or her freedom and happiness. Sacrifice is the best material to an everlasting love."
I was stunned on what he said. He's right. Sacrifice is the best way to make him/her happy even if it's only one sided love.
Ginulo naman ni Kuyang Pogi ang buhok ko na ikinapula bigla ng mukha ko. "Ang drama ko na ba? Sorry, ha? Wala kasi akong makausap ng matino sa bahay, e." Sabi niya na ikinatawa ko.
"Nako, okay lang po 'yon. Tama naman po kayo sa mga sinabi niyo. Ano po pa lang pangalan niyo at ng asawa niyo? Kanina pa po tayo nag-uusap dito pero hindi ko pa po alam ang pangalan niyo." Nakanguso kong sabi.
Natawa naman siya at iniabot ang isang kamay niya para makipagshakehands sa akin.
"I'm Russel Madrid, and my wife's name is Alanis Vien-Madrid."