Chapter 19

1241 Words
REESE' POV Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sobra na rin akong nahihirapan sa sitwasyon ko. Bakit ba kailangan ko pang maranasan ang lahat ng ito? Wala naman akong ginagawang masama sa kapwa tao ko pero bakit parang ako pa ang pinaparusahan nang ganito? I'm not a virgin anymore. Kinuha na iyon ng lalakeng kamakailan ko lang nakilala. Bakit ba marahas at sobrang nakakatakot siya? Sa panlabas na kaanyuan niya ay hindi ko naisip na kaya niyang gumawa ng mga bagay na hindi ko inaasahan na gagawin niya. Patuloy na lang ba akong mananahimik sa mga ginagawa sa akin ni Sky? Kapag gusto mo ang isang tao ay kailangan mong respetuhin at galangin ang magiging desisyon niya pero bakit siya ay pansariling interes lang niya ang iniisip niya? Hindi niya iniisip ang mararamdaman ko, kung masasaktan ba ako o hindi sa mga ginagawa niya sa akin. Totoo bang gusto niya talaga ako? o isang obsesyon lang ang nararamdaman niya para sa akin? Sa dinami-rami ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya ay bakit ako pa? Ako na may tahimik at masayang buhay. Nag-iba na ang lahat ng iyon simula nang tumira kami dito sa Maynila at baka sa mga susunod pang araw ay may mga pangyayari pang hindi ko inaasahan. Si Austin, nakita ko ang pagkadismaya niya sa nalaman niyang may nangyari na sa amin ni Sky. Si Ryu, ang mga kapatid ko at pati na rin ang mga magulang ko ay hindi ko pa rin ipinapaalam sa kanila ang nangyari. Natatakot ako na baka sabihin ni Sky iyon sa kanila dahil sa pagiging desperado niya para lang makuha ako. Natatakot ako sa mga susunod na mangyayari. "Reese, okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Ryu habang busy kami sa paggawa ng mga homeworks namin. Nabuhay naman ang diwa ko sa pagsasalita niya at ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya. "O-okay lang naman ako. Medyo inaantok na kasi ako. 11:00pm na kaya, mga 3 hours na tayong gumagawa ng homeworks natin, oh." sabi ko. Bigla namang tumayo si Ryu at may kinuha siyang pagkain sa loob ng ref niya. Nandito ako ngayon sa condo unit niya at kasama ko siyang gumagawa ng tambak-tambak na homeworks na pinapagawa ng mga Professors namin. Nagpaalam naman ako kina Mom at Dad na nasa condo ako ni Ryu at pumayag naman sila doon. May tiwala sila kay Ryu samantalang ang mga kuya ko naman ay walang tiwala sa kanya kaya hindi na ako nagpaalam pa sa kanila dahil hindi naman nila ako papayagang magpunta rito. Alam kong may tampo pa rin sa akin si Kuya Red pero sa oras na makita ko ulit siya ay kakausapin ko siya ng maayos at ipapaliwanag sa kanya ng malinaw na wala naman talagang namamagitan sa amin ni S-Sky. Pati pagbigkas ng pangalan niya ay nahihirapan na ako.. paano pa kaya kapag nagkita na kami bukas? Ano na naman kaya ang balak niya sa akin? Bumalik si Ryu na may dala nang cake, juice, cookies at gatas at inilapag ito sa mahabang study table na ginagamit namin. "Kumain ka muna. Baka gutom ka na." Nakangiting sabi niya. Kumuha naman ako ng gatas at ininom ito. "Salamat. Ah, pagkatapos ko pa lang kumain ay ihatid mo na ako sa bahay namin." Umiling lang siya sa sinabi ko at inayos nito ang suot niyang reading glasses. "Gabi na. Dito ka na lang matulog sa condo ko." Tila nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "H-hindi naman pwede 'yon, Ryu. Baka hanapin ako nila Mom at Dad sa bahay saka wala akong extrang t-shirt pamalit." sabi ko. Humarap naman siya sa akin. "Nagpaalam ka naman na nandito ka sa condo ko, 'di ba? At may extra na damit pa ako dyan kaya dito ka na lang magpalipas ng gabi." Magpalipas ng gabi? Kaming dalawa lang? Dito sa loob ng condo niya? Mukhang nabasa naman niya ang iniisip ko kaya nginitian niya ako at hinawakan sa isang kamay ko. "'Wag kang mag-alala. Wala akong gagawing masama sa'yo. Gusto kita, Reese pero hindi kita kayang pilitin sa mga bagay na ayaw mo pang mangyari." Sincere niyang pagkakasabi pero bakit iba ang nakikita ko sa mga mata niya? Nako! Napaparanoid na naman ako. Nadala na yata ako sa mga ginawa sa akin ni Sky. Kapag kaya nalaman ni Ryu na may nangyari na sa aming dalawa ni Sky ay ituturing pa rin niya kaya akong bestfriend? Natatakot na ako sa mga posibleng mangyari. I sighed and nodded. "Okay. I trust you, Ryu." Ngumiti naman si Ryu sa akin at itinuloy na ulit ang homework niya. Natapos na rin kami sa wakas at nagligpit na ng mga gamit namin. Pumasok na kami ni Ryu sa loob ng kwarto niya at binigyan niya ako ng tuwalya, isang malaking t-shirt at boxer shorts. "Ayan lang kasi 'yung medyo maliit kong mga damit kaya pagtiyagaan mo na lang." Sabi niya at nagkamot pa ito sa batok niya. Natawa naman ako. "Sus, okay lang, no. Ngayong gabi lang naman 'to. Saan nga pala ang banyo mo?" tanong ko. Itinuro naman niya kung saan iyon at pagkatapos ay pumasok na ako doon at nag-umpisang maligo. Pagkatapos kong maligo at magbihis sa loob ng banyo ay napabuntong-hininga na lang ako sa suot ko ngayon. Ang nipis ng suot kong white t-shirt at ang laki pa sa akin nito na abot hanggang sa tuhod ko samantalang ang boxer shorts naman na suot ko ay maikli. Ano pa bang ine-expect kong mga damit ni Ryu? Eh malaking tao rin ang isang ito. Lumabas na ako sa loob ng banyo at naabutan kong wala si Ryu. Siguro ay nasa sala o kitchen lang siya. Naglakad na lang ako at nilibot ng tingin ang buong kwarto niya. Wala siyang masyadong mga gamit na ipinagtataka ko at sobrang linis ng kwarto niya. Alam ko na marami siyang mga gamit at kalat palagi sa kwarto niya doon sa bahay nila sa Bataan. Siguro ay natutunan na rin niyang maging malinis at masinop sa kapaligiran niya. Tamad kasing maglinis itong si Ryu at inuuna na lang palagi ang online at video games. Napangiti ako nang makita ang picture naming dalawa na magkasama simula noong mga bata pa lang kami hanggang sa paglaki namin na nakalagay sa isang malaking glass cabinet. Buong buhay ko ay si Ryu lang ang naging tapat at totoong kaibigan sa akin kaya natatakot ako na kapag naging kami ay maiba na ang turingan namin lalo pa't inamin niya sa akin na gusto niya ako. Mas gusto ko na lang na maging magbestfriend kami nang pang habangbuhay para mas matagal pa ang pagsasamahan namin bilang isang magkaibigan. Nakita ko ang isang itim na bedside cabinet niya at hindi ko alam pero may nag-uudyok sa akin na buksan iyon at tignan kung ano ang nasa loob nun. Lumapit naman ako sa itim na bedside cabinet niya at dahan-dahan ko itong binuksan. Nagulat at nanginig na lang ang mga kamay ko sa nakita kong laman nun. There's so many knife and gun inside his cabinet. Naramdaman ko na lang na may humablot sa kamay ko at hinawakan ito nang sobrang diin. "Bakit nangingialam ka sa mga gamit ko, ha?!" he shouted. When I look at him ay nanlilisik ang mga mata ni Ryu habang nakatingin sa akin. Natakot ako sa madilim niyang ekspresyon na ipinapakita niya pero naglakas loob pa rin akong magtanong. "B-Bakit meron kang mga kutsilyo at b-baril?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD