Chapter 11

959 Words
AUSTIN'S POV Akalain mo nga naman, sakto pa na sa YGA rin nag-aaral si Reese. Ngayon lang ako nagpasalamat sa maingay at bungangera kong nanay na inilipat niya ako sa school na iyon. That girl, when I first saw her, she got my attention. I like her innocence and beauty. Reese's half-Japanese guy bestfriend obviously likes her. Nakakatuwa lang dahil magbestfriend lang sila pero kung makabakod siya kay Reese ay parang sila na. Sinuntok pa niya ang gwapo kong mukha dahil sa naasar siya sa sinabi ko na totoo naman. Hindi naman ako ganito na parang nagseselos. I'm a playboy and all girls are drooling in front of me pero simula nang makilala ko si Reese ay parang may nagbabago na sa akin. Ano ba kasing ginawa ng babaeng iyon sa akin at bakit nagkakaganito ako? Na kahit masungit siya at mataray ay nilalapitan ko pa rin siya para maging kaclose ko lang? Halata namang ayaw niya sa akin pero kinukulit ko pa rin siya. Tsk! 2nd day ko na ngayon sa YGA. I gained a lot of friends or should I say "girl-friends". Sila ang lumalapit sa akin para makipagkaibigan at dahil hindi naman ako ipinanganak na bastos ay tinanggap ko na rin ang offer nila. May balak rin pala na magtransfer sa YGA sina Hendrick at Collins. Partners in crime kaming tatlo kaya kung nasaan ang isa ay sasama na rin ang dalawa. We're already 22 years old at parehong mga black sheeps sa pamilya namin. Hendrick Rhodes is a half Filipino-American. Casanova 'yon at maloko. Nagrerebelde siya dahil naghiwalay na ang parents niya at sinisisi niya ang nanay niya kung bakit iniwan sila ng tatay niya. Collins Altamirano is my best buddy. Hindi katulad ni Hendrick ay mas matino ang pag-iisip nito. Masyado siyang seryoso sa buhay pero hindi pa rin mawawala ang hangin niya sa katawan. Nagrerebelde naman siya dahil iniwan siya ng first love niya. Ang babaw ng dahilan niya, nang dahil lang sa isang babae kaya nagkakaganon siya? At ako naman na si Austin Jimenez ay nagrerebelde dahil sa araw-araw na lang na pag-aaway ng mga magulang ko. Mga bata pa lang kami ni Oliver ay ganon na sila. Parehong nagsasakitan at may mga kabit din. Hindi na sila nahiya sa aming magkapatid dahil pati mga kabit nila ay inuuwi pa nila sa bahay namin. Hindi nila kami masisisi ni Oliver kung bakit lumaki kaming malayo ang loob sa kanila at nagrerebelde. We just want a happy family pero bakit wala kami nun? Mabuti pa iyong mahirap lang sa buhay at least masaya at kumpleto silang pamilya samantalang kami ay mayaman nga pero puro away at gulo na lang ang palaging nararanasan namin. What a nice family we had! Sa hallway pa lang ng YGA ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante. Madali lang rin siguro ako makakuha ng popularidad dito dahil parang ako lang naman ang pinakaangat na lalake sa YGA pero napahinto na lang ako nang marinig ko ang usap-usapan ng ibang mga estudyanteng babae. "Ang gwapo ni transferee guy, no? Tapos nakakalula 'yung tangkad niya." "You're right pero mas lamang pa rin ng dalawang paligo sa kanya si Sky!" "Waahhh! Si Sky Avenido? Gosh! He's a God of handsomeness na talaga, friend!" "He's so smart and intelligent pa plus he's a Captain Ball of YGA Basketball Team!" "Almost perfect guy na si Sky!" Napakunot ang noo ko at nagpantig ang tenga ko dahil sa mga naririnig ko. Ako na pinakagwapo at pinakaangat sa buong St. Claire ay nalamangan ng dalawang paligo ng Sky na tinutukoy nila? Parang natapakan ang ego at pride ko dahil doon. Nasanay na kasi ako na hinahangaan ng lahat at hindi nahihigitan ng iba. Nagtilian na lang bigla ang mga estudyante ng YGA na ipinagtaka ko. Napalingon naman ako sa tinitignan at tinitilian nila. "Omg! Si Sky honey!" "Ang gwapo niya. s**t!" "Kahit cold siya sa atin ay ang hot pa rin niya!" May isang maputi at matangkad na lalakeng naglalakad malapit sa direksyon ko. Mga kasing tangkad ko lang ito. Walang ekspresyon ang mukha nito at ultimo'y wala ring pakialam sa paligid niya. Diretso lang ang tingin niya sa daan. Nang makita ko ang itsura niya ay tila nanliit ako sa sarili ko. Ito ang unang beses na nainsecure ako sa isang tao. Nagkasalubong kami at nagkatinginan. Bigla siyang napahinto sa paglalakad at tinignan ako. Napakuyom na lang ang kamao ko at hinarap siya. Nananatili pa ring blangko ang ekspresyon ng mukha niya. "Anong tinitingin-tingin mo diyan?" Nakangisi kong tanong pero sa totoo lang ay kanina pa ako naiirita sa kanya. Baka ipagkumpara na naman kami ng mga estudyanteng nakatingin sa amin ngayon at ayoko ng ganon. Umiling lang siya at tinignan ako ng mariin. "You're a transferee? I can see that you're threatened to me." At ngumiti pa ito. Nagpakawala naman ako ng buntong-hininga dahil sa sinabi niya. "Ako? Threatened sa'yo? Okay ka lang? Sino ka ba para katakutan ko?" Tumawa lang siya saka umiling. "You don't know who you're talking about. Anyways, why I'm even talking to you, old man? I'm wasting my time to talk to some douchebags stranger." Nakangisi niyang sabi at umalis na pagkatapos. Ang yabang ng hayop na iyon! Tinawag niya pa akong old man? Mas matanda lang naman yata ako sa kanya ng ilang taon tapos old man na ako? Sinipa ko na lang sa inis ang trash can na nakita ko at napasabunot sa buhok ko. Nang maramdaman ko na nakatingin pa rin sa akin ang mga estudyante ng YGA ay tinignan ko sila ng masama. Mukha naman silang natakot sa akin kaya umiwas kaagad sila ng tingin at nagmadaling umalis. Hindi ako papayag na malalamangan ako nang kahit sino. Humanda sa akin ang Sky na iyon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD