Chapter 42

1421 Words
REESE' POV Kasama ko ngayon ang buong pamilya ko dito mismo sa bahay namin. May sasabihin daw sina Mom at Dad sa amin ni Kuya Reevo. Kuya Red was not here dahil may inaasikaso ito tungkol sa business namin. I'm looking at my parents at mukhang may problema sila. "Mom, Dad is there any problem? Bakit parang malungkot kayo at mukhang problemado?" Tanong ko sa kanila. Mom sighed at para na siyang maiiyak. "Reese, bumagsak ng 45% ang sales ng clothing line business natin dahil pinull out lahat ni Tita Anjanette mo ang shares nila sa mga branches natin. She's doing it with a purpose para hindi na natin ituloy ang pagsampa ng kaso kay Ryu pero sisiguraduhin naming hindi 'yon makakaapekto sa naunang plano natin. We need to file a case against Ryu." Sabi niya at hinawakan ang isang kamay ko. Nalungkot ako sa sinabi ni Mom. Buong buhay nila ni Dad ay sa business na nila nilaan ang oras at pagod nila para lang mabigyan kami ng magandang kinabukasan ng mga kapatid ko tapos may ganito pang mangyayari. Bumagsak ng halos kalahati ang sales ng business namin. "At ang sabi pa ni Anjanette ay aalis na siya sa partnership ng business natin. Half of our investment ay nanggaling sa kanila. Maaari tayong maghirap kung mawawala ang business partnership natin sa kanila." Dad said at napahilot ito sa sentido niya. Kuya Reevo reacted. "We don't need them, Mom and Dad. Kaya nating ibalik ang sales natin na walang tulong nila." Matigas nitong sabi. Nahihirapan akong makita na ang pamilya ko ay namomroblema dahil sa business namin. Alam kong hindi sanay sina Mom at Dad na maghirap kami. Gusto lang rin naman nila kami mabigyan ng magandang buhay ng mga kapatid ko kaya hindi ko sila masisisi kung nanghihinayang sila sa pagbagsak ng sales ng business namin. Napayuko at natahimik lang ang mga magulang ko sa sinabi ni Kuya Reevo kaya ako naman ang nagsalita. "Ano po ba ang solusyon para ibalik nila Tita Anjanette ang partnership at shares nila sa inyo?" Dad sighed. "Sinabi niya na ibabalik lang daw nila iyon kung magpapakasal ka kay Ryu at iuurong natin ang kaso laban sa anak niya pero hindi kami pumayag do'n. Her son is insane. Muntik ka na niyang pagsamantalahan, anak kaya hindi bale nang maghirap tayo basta ay hindi ka lang mapunta sa batang iyon." Pinigilan kong huwag maiyak sa sinabi ni Dad. Lahat ay gagawin nila para sa akin. Kaya nilang isakripisyo ang lahat maprotektahan lang ako kay Ryu. Napakaswerte ko at may mga mapagmahal na magulang ako at mga kapatid na hindi ako hahayaang mapahamak. Kung wala sila sa tabi ko siguro ay hindi ko na kakayanin lahat ang mga nararanasan kong problema at pagsubok ngayon. Pero this time, ako naman ang magsasakripisyo para sa kanila. Hindi ko kayang basta na lang mawala ang pinaghirapan nilang business sa matagal na panahon. Kung ang solusyon lang ay ang pakasalan ko si Ryu ay gagawin ko. Kahit kapalit pa nun ay ang kaligayahan ko at si Sky. Sana sa gagawin kong ito ay mapatawad niya ako. "I will marry Ryusuke." Sabi ko at napapikit nalang. Nagulat naman sila sa sinabi ko at napatayo na si Kuya Reevo saka ako nito nilapitan. "Are you out of your mind, Reese? Remember? He's crazy and he almost rape you!" Sabi niya at napasabunot na ito sa buhok niya. "Reese, kung iniisip mo ay 'yung sa business natin ay-" I stopped my Mom. "It's my final decision, Mom. Ryu is my bestfriend for a long time kaya alam ko na kung paano ko siya mapapabago at mababalik muli sa dati." Sabi ko at pagod na ngumiti. Tumayo na rin sila ni Dad at nilapitan ako. "No. You will not marry Ryu at hindi rin papayag ang Kuya Red mo do'n." Dad said. Umiling ako. Ito na lang ang paraan para matigil at hindi na magkaproblema ang pamilya ko nang dahil sa akin. I will do this for them. I don't want my parents to see that our business will go down because of me. "I will marry him and that's final." Nagpunta ako sa presinto kung saan ngayon nakakulong si Ryu at para makausap sila nila Tita Anjanette at Tito Ryuko. Naabutan ko doon sina Tita Anjanette at Tito Ryuko na nag-uusap habang si Ryu naman ay busy sa paggamit ng PSP niya. When they saw me ay halos nagulat ang mag-asawa habang si Ryu naman ay huminto na sa ginagawa niya at nginitian ako. Tinaasan ako ng kilay ni Tita Anjanette at inirapan. "What are you doing here, young lady?" Mataray niyang tanong. I bow my head at lumapit sa kanila. "Tita, please po nagmamakaawa ako.. ibalik niyo na po ang shares niyo kina Mom at Dad..." Sabi ko at napaluha na. Tita Anjanette laugh sarcastically at nagpaweywang ito. "Pagkatapos niyong ipakulong ang anak ko ay pupunta ka rito at magmamakaawa na ibalik ang shares ng investment ko sa parents mo? Alam niyo naman na hindi sanay sa mabaho at masikip na lugar na 'to si Ryu at isa pa, there's nothing wrong what my son did to you. Hindi ba't girlfriend ka niya? So, anong masama kung magtalik kayo? Ginusto mo rin naman 'yon. Am I right?" Then she smirk at me. Nginisian rin ako ni Ryu dahil sa sinabi ni Tita Anjanette habang si Tito Ryuko naman ay nakatingin lang sa amin ng seryoso. Gusto kong umapila sa sinabi ni Tita Anjanette pero hindi ko magawa dahil ayokong galitin pa sila. They will do everything para lang mapagtakpan si Ryu sa mga kasalanan niya kahit pa na mali ito. Lumaki si Ryu na sinusuportahan ang lahat ng gusto niya. Ryu is a spoiled guy at hindi sanay na hindi nakukuha ang gusto niya. He's the only son kaya lahat ng pagmamahal at atensyon ng mga magulang niya ay nakukuha niya. Pinunasan ko ang luhang tumakas mula sa mga mata ko. Masakit na ilalaan ko ang sarili ko sa isang lalakeng lubusang sinaktan at pinaikot ako sa mga kasinungalingan niya pero kung hindi ko ito gagawin ay magiging kawawa ang pamilya ko. I will do this because of them, not because I want to marry Ryu. "Iuurong na po namin ang kaso laban kay Ryu basta ay ibalik niyo lang po ang shares niyo sa amin at.." Napahinto ako at hindi ko kayang banggitin ang mga susunod kong sasabihin. Lumapit naman sa akin si Ryu at nginitian niya ako. "At? Ituloy mo na ang sasabihin mo, Reese. 'Wag ka nang mahiya kina Ha-ha at Otosan." [Ha-ha and Otosan: Mother and Father in Japanese] Nangilabot at nagsitindigan ang mga balahibo ko nang inakbayan ako ni Ryu at pinulupot ang braso niya sa bewang ko. Kung noon ay baliwala lang sa akin na ginagawa niya ito ngayon ay sobra na akong natatakot at nandidiri sa mga hawak niya sa akin. I never expect na matatakot ako kay Ryu. Sa lalakeng itinuring ko nang parang isang kapatid. I close my eyes at nagmulat ulit. "I-I will marry Ryu. Kung 'yon lang po ang paraan para hindi niyo na alisin ang partnership niyo kina Mom ay gagawin ko po na m-magpakasal sa anak niyo." Mahina kong pagkakasabi na parang mawawalan na ng lakas. I'm sorry, Sky. Kung hindi lang dahil sa pamilya ko ay hindi ko ito gagawin but remember that I still love you. Tita Anjanette nodded. "Okay then, madali lang naman akong kausap. It's the right decision you make for your family, Reese." Lumapit siya sa akin at niyakap ako saglit saka hinalikan sa pisngi ko. Tito Ryuko smiled at me at lumapit rin siya sa akin. "Congrats, you're finally marrying my son." Hindi na lang ako nagsalita pa at tumango na lang. "Can we excuse for a while? May pag-uusapan lang kami ni Reese." Nakangiting sabi ni Ryu sa mga magulang niya. "Sure, son." They said. Hinila naman ako ni Ryu palayo sa pwesto ng mga magulang niya at iniharap ako sa kanya. He's smirking at me at hinawi ang buhok niya. Gusto ko siyang itulak papalayo sa ginagawa niya. How cruel he is? "See? Hindi niyo kami kayang kalabanin. Sa huli ay sa akin ka pa rin pala babagsak. s**t! I can't wait to be your husband," Bulong niya sa tenga ko at isinandal ako sa pader saka hinalikan. Kahit masakit sa akin ay hinalikan ko na rin siya pabalik at naramdaman ko na lang ang pagngisi niya sa gitna ng mga halik niya. "You're doing good, my soon to be wife..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD