REESE' POV
Nagising ako na nasa loob ng isang puting kwarto. Nilibot ko ng tingin ang paligid ko at napagtanto ko na nasa ospital pala ako. Bigla ay naalala ko ang ginawa sa akin ng lalakeng pinagkatiwalaan ko sa mahabang panahon.
How could he do this to me? Bakit si Ryu pa? Hindi ko akalain na balak niya akong pagsamantalahan dahil sa nakakasakal niyang pag-ibig para sa akin.
How he turned to be a monster? Sana pala ay nakinig na lang ako sa sinasabi ng mga kapatid ko na layuan ko si Ryu. Sana pala ay hindi ko na siya pinagkatiwalaan pa.
"Hey, are you okay?" Napatingin ako sa nagsalita at si Sky iyon.
I remember that he saved my life. Nawalan lang ako ng malay nun pero nakita ko kung paano niya ako iniligtas mula kay Ryu.
Tumango ako at nginitian siya. "Salamat sa pagligtas mo sa akin, Sky..." Sabi ko sa mahinang boses ko.
He smiled and held my hand. "Basta para sa'yo kahit buhay ko pa ay ilalaan ko mailigtas ka lang. I still can't believe that I will be this cheesy because of you. s**t!" Nahihiya niyang sabi at nagkamot pa ito ng ulo niya.
He's so adorable and cute. May ganitong side rin pala si Sky? Marunong pala siyang mahiya at ngumiti pero natutuwa ako sa sinabi niya at may kung anong humaplos sa puso ko sa salita niyang nagpapagulo palagi sa sistema ko.
"Si Kuya Reevo ba ang nagcheck ng kalagayan ko? Alam ko kasi na ospital 'to na pinagtatrabauhan niya." Pag-iiba ko na lang ng usapan dahil pulang-pula na ang mukha ko dito.
He become so serious at umayos ito ng upo. Kahit nakaupo pa siya ay ang tangkad pa rin niya.
"Yes. Ngayon ay may inaasikaso pa siyang mga pasyente pero mamaya ay i-checheck niya ulit ang kalagayan mo. 'Yung parents mo naman at pati ang Kuya Red mo ay kinausap ang parents ni Ryu para sa demanda na ikakaso nila sa kanya."
Natigilan ako. "Magdedemanda ang pamilya ko kay Ryu?" Sky nodded at inabutan ako ng bottled water. Ininom ko naman ito.
"Yes, and he deserves that. He almost raped you."
"But you almost raped me too.." Sabi ko naman ng pabulong pero mukhang narinig niya iyon kaya napayuko siya at napafacepalm.
"I-I'm so sorry for all the stupid moves I've done to you. Unang beses lang kasi ako nagkagusto sa isang babae kaya ginamitan kita noon ng dahas para makuha ka pero naisip ko na hindi ko kailangang ipagpilitan pa ang sarili ko sa'yo dahil kaya ko namang gumawa ng paraan para mahalin mo rin ako."
Nagulat ako sa sinabi niya.
The sincerity and the truthness of his words melted my heart.
Hindi ko alam ang sasabihin ko at napatitig na lang sa gwapo at maamo niyang mukha. Deserve ba talaga akong mahalin ng halos perpektong lalakeng ito? Our first meet up was bad but in a sudden period of time ay unti-unti nang nagbabago at nagkakaroon ng iba sa nararamdaman namin.
May mga bagay talaga na naiiba because nobodys permanent in life. Minsan ay kailangan mo rin gumalaw at ibahin ang takbo ng puso at nararamdaman mo.
Bakit pala nagiging future love guru na ako?
Tumango na lang ako at hindi na muling nagsalita pa. Para ngang nahiya rin siya sa sinabi niya sa akin at kaagad itong umiwas ng tingin.
"D-dadalawin ka pala mamaya ng mga kaklase at kaibigan mo sa YGA. Ako lang ang natirang magbantay sa'yo dito dahil madaling-araw na. Ayaw kitang iwanan dahil baka mamaya ay kahit nakakulong na ang baliw mong boyfriend ay makatakas 'yon sa kulungan at guluhin ka na naman. I won't let that happen again." He said.
Hindi ko na talaga ma-take ang mga sinasabi ni Sky. Parang magkaka heart attack na yata ako sa walang preno niyang mga sinasabi.
"B-bakit ba kasi ako pa ang minahal mo?" Tanong ko at napakagat-labi.
Napalingon naman siya sa akin at tinitigan ako ng seryoso. Sa titig pa lang niya ay nakaka-intimidate na paano pa kaya sa ibang bagay na bibigyan niya ng effort?
"Do I need to answer that? Basta m-mahal kita at ayon na 'yon. Tsk! Kumain ka na nga lang. Ang dami mong tanong, e!" Bigla naman siyang parang nairita at sinubuan ako ng spaghetti na nakalagay sa bedside table ko.
Napangiti naman ako sa ginawa niya. "Ngayon ka lang naging sweet sa isang babae, no? Alam mo ba na nung una nating pagkikita ay ang sungit mo sa akin? Ikaw na nga ang nakabangga sa akin pero ako pa ang sinabihan mong mag-iingat ako sa susunod at gamitin ko ang mga mata ko. Ang harsh mo alam mo ba 'yon?" Nagcross-arms pa ako at inirapan siya.
He chuckled at tumango. "What do you expect from me? I was like that since I was young."
Umiling naman ako. "Dapat hindi ka maging masungit sa ibang tao. Babaan mo rin ang pride mo para maging masaya at malaya ka sa buhay mo. Habang bata ka pa ay mamuhay ka ng malaya at walang bad traits na iisipin sa'yo." Sabi ko.
He smirk at me at inilapit ang mukha niya sa akin.
Goodness! Ilang beses ko na siyang nakita nang malapitan pero ngayon ko lang nakita ang playful aura niya. Ibang-iba sa Sky na unang kong nakilala na nakakatakot at misteryoso.
"Kung ganon pala ay mamumuhay ako ng malaya. Malaya na mahalin ka at ipakita sa'yo na handa akong magbago mahalin mo lang rin ako katulad ng pagmamahal na nararamdaman ko sa'yo ngayon." Bulong niya sa tenga ko na ikinatibok ng puso ko.
Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa noo ko at lumayo na siya mula sa pagkakalapit ng mukha namin.
I smiled.
Don't worry Sky, I already fell for you.
NICCOLO'S POV
Nakakainis! Kanina pa naglalandian sa harapan namin ang Ailah at Jedus na 'to. Pinagseselos lang yata ako ni Ailah dahil alam kong gusto niya ako.
Sa tingin niya ba ay magseselos ako sa kanilang dalawa ni Jedus? Nakakabwisit lang dahil nasa harapan na nila kami pero ayaw pa rin nilang tumigil sa paglalandian.
"Kung nakakamatay lang ang tingin malamang kanina pa patay sina Ailah at Jedus." Sabi ni Carlo saka ito tumingin at ngumisi sa akin.
I ignore him at nagpatuloy na lang sa pagbabasa ko ng libro. Narinig ko naman ang pagtawa ni Raven at pagtango nito sa sinabi ni Carlo.
"Tama ka dyan bro, Carlo. Natotorpe pa nga yata siya sa lagay na 'yan." Nakangisi niyang sabi.
Hindi na ako nakatiis at bumaling na sa kanila.
"Sinong pinag-uusapan niyo?" Tanong ko. Umiling lang silang dalawa habang nakangisi sa akin.
"Wala 'yon, bro!" sabi ni Carlo.
I just rolled my eyes at itinuloy lang ulit ang pagbabasa ko. Para namang walang pakialam sa mundo ang dalawang kanina pa naghaharutan at naglalandian.
Inuubos yata ni Ailah ang pasensya ko.
Binitawan ko na ang binabasa kong libro saka tumayo at hinila si Ailah mula kay Jedus. Napaawang ang bibig niya at napatitig siya sa akin dahil sa ginawa ko.
"N-Niccolo," Nauutal niyang sabi kasabay ng pagpula ng pisngi niya.
Hindi ko siya sinagot instead ay hinila ko siya papalabas ng basketball gym. Narinig ko pa ang pagtawag ni Jedus kay Ailah kaya mas binilisan ko pa ang pagkaladkad sa kanya.
Nang makarating na kami sa soccer field ay isinandal ko siya sa puno at ikinulong mula sa mga braso ko.
Nilapit ko ang mukha ko kay Ailah at tinignan siya ng mariin. "Bakit ba ginagamit mo pa si Jedus para lang pagselosin ako? Hindi ba't gusto mo ako? Pero bakit sa kanya mo na binabaling ang atensyon mo? Pinaglololoko mo ba ako, Cesada?" I said. Nagulat siya sa sinabi ko at napanganga.
"A-anong sabi mo? Hindi kita pinagseselos, Niccolo. Oo nga at gusto kita pero hindi mo naman ako gusto, 'di ba? Mabuti pa si Jedus ay concern sa akin kaya sa kanya ko na lang ibabaling ang atensyon ko hindi sa katulad mo na palagi na lang ako binabaliwala at sinasaktan!" Sabi niya habang nakatitig ng masama sa akin.
Natahimik naman ako sa sinabi niya at bumuntong-hininga.
Gusto ko naman si Ailah kaso ay hindi na pwede dahil.. may fiancé na ako at iyon ay si Lian Alvarez. Her friend.
I was about to hug her pero itinulak niya lang ako at nakita ko na napapaluha na siya.
"Mahirap ba akong mahalin, Niccolo? Maganda naman ako, ah? Mabait at matalino pero bakit ayaw mo sa akin? Ako kasi mahal na mahal kita noon pa." she confessed.
Natuwa ako sa sinabi niyang mahal niya ako pero nalulungkot rin ako kasi nasasaktan na lang siya palagi nang dahil sa pambabaliwala ko sa kanya.
"May iba na akong gusto." Sabi ko at napapikit saka ulit nagmulat.
Wala naman akong ibang gusto noon pa kundi si Ailah lang.
"S-Sino?" Naluluha niyang tanong na parang natatakot siya sa isasagot ko.
I sighed again. "It's Lian. Your friend."
Nakita ko sa mga mata niya ang sakit dahil sa sinagot ko.
I'm sorry for lying to you, Ailah.