Chapter 33

1717 Words
REESE' POV Pagkatapos naming magshopping kasama ang dalawang lalakeng kanina pa center of attraction dito sa loob ng mall ay nagpahinga muna kami saglit at kumain sa isang restaurant dito pa rin sa loob ng mall. Alam ko naman na hindi ako komportableng kasama si Sky dahil sa ibang klaseng mga titig niya at biglaang pagbabago ng ugali niya sa akin. Kanina sa loob ng shop ay hindi ko mapigilang kiligin sa ginawa niya. Gumaan na lang bigla ang loob ko sa kanya at nakita ko ang isa sa mga side niya na hindi ko pa nakikita. He's acting like a possessive boyfriend to me. Sa dami pa ng mga pinamili niyang damit sa akin ay sigurado ako na magtataka ang parents ko pati na rin ang mga kuya ko na mayroon akong dalang sangkatutak na t-shirt at jeans na hindi ko naman hilig suotin. Minsan lang ako magsuot ng ganon dahil mas komportable akong magsuot ng dress, skirts at short-shorts. Ang isa kong ikinakabahala ay baka nalaman na ni Ryu na umalis ako ng bahay nang hindi nagpapaalam sa kanya. Sa mga sinabi kasi ni Kuya Reevo tungkol sa kanya ay posibilidad na totoo lahat ng iyon. Hindi magandang ideya nga siguro na naging boyfriend ko kaagad siya. Pati ba naman dito sa loob ng restaurant ay maraming tumitingin kina Sky at Jedus and mostly are girls but these two good-looking creature was only focusing their attention to me and Ailah. Jedus obviously likes Ailah and Sky said that.. he loves me. Hindi ako makapaniwala na sa dinami-rami ng mga babaeng kasing level lang niya ay sa akin pa siya nagkagusto. Pagkatapos naming umorder ay sinabi ni Sky na siya na raw ang magbabayad ng mga inorder namin at dahil mapilit siya ay siya na ang pinagbayad namin. Sa paglustay pa lang ni Sky ng pera sa mga pinamili niya para sa akin ay baka barya-barya lang iyon sa kanya. "Ikaw na talaga ang ubod ng yaman, Sky. Sana pala palagi ka na lang sumasama sa lakad namin ni Reese para may manlibre sa amin. Makakatipid pa kami sa allowance nito!" Tumatawang sabi Ailah na ikinangiti naman ni Jedus. Napa facepalm na lang ako at binulungan si Ailah. "Tumigil ka nga diyan, Ailah. Nakakahiya." Suway ko. Ngumiti naman si Sky saka ito tumingin ng mariin sa akin. "No problem, as long na para kay Reese then I want to deal with it." Something in my chest was about to explode. "Ang pag-ibig nga naman!" asar pa ni Jedus sa amin na ikinatawa lang ni Ailah. Ang saya-saya yata ni Ailah ngayon? Nagkakagusto na kaya siya kay Jedus at hindi sa suplado at tahimik na si Niccolo? Mas bet ko pa nga itong si Jedus kaysa kay Niccolo para sa kanya because I see how Jedus really like my friend hindi katulad ni Niccolo na binabaliwala lang ang effort ni Ailah para sa kanya. There is something wrong about that guy. Nanahimik na rin sila nang dumating na ang mga inorder namin o ni Sky. Sa dami ba naman ng inorder ni Sky ay parang magpapakain lang siya ng mga Construction Workers. Sa mahal pa ng mga pagkain dito sa restaurant sa tingin ko ay tubig lang ang kaya kong bilhin. Wala talaga siyang pakialam kung maubos man ang pera niya. "Wow. May piyesta ba? Ang dami mo namang inorder, Sky!" Sabi ni Ailah at nagsimula na itong kumain. "It's okay. Gusto ko lang na maraming kainin si Reese at baka damo lang ang kinakain niya. Look at her, she's too thin." Sky said at itinuro pa ako. Napakunot-noo kaming lahat dahil sa sinabi ni Sky. Ako? Damo ang kinakain? At payat daw ako? Really? Nang mukhang nagets ni Ailah ang sinabi ni Sky ay humalakhak siya. "Baka nga damo lang ang kinakain niya, Sky pero hindi naman payat si Reese, ah? She's sexy kaya." Tumango naman si Jedus sa sinabi ni Ailah. Sky shook his head at nilagyan ng maraming pagkain ang plato ko. "Ang dami naman ng-" apela ko pero kaagad siyang nagsalita. "I want her to be chubby than to be a sexy that many maniac guys will always drool over her." He said then he look straight to my eyes. His words are so magical. Na kapag may sinabi siyang mga bagay na nagpapahurumentado sa puso ko ay nasisiyahan ako at humahanga pa lalo sa kanya. Para bang lahat ng mga sakit, pananakot at pananakit niya sa akin noon ay bigla ko na lang nakalimutan at nawala na parang bula sa puso't-isip ko. Para bang gusto ko na siyang patawarin nalang at magsimula kami mula sa umpisa. I want to see the real side of him and maybe, I realize that I already fell for him. Lihim na naman akong napangiti habang tinutusok-tusok ako ni Ailah sa tagiliran ko at nakangisi siya sa akin. "Narinig mo 'yon? Kahit tumaba ka pa raw ay okay lang 'yon sa kanya. That's true love!" At nakipag-high five pa siya kay Jedus. True love. I already have that before but it took away from me so fast. Hindi na lang ako umimik sa sobrang pagkapula at nagsimula nang kumain. Sky, don't make me fall for you so hard dahil baka maulit na naman ang nangyari sa akin noon at natatakot na akong sumugal. While we're busy eating at si Sky ay abala pa rin sa pagseserve ng pagkain sa akin ay may isang lalakeng pumasok sa loob ng restaurant na kinaroroonan namin. Bigla akong kinabahan at nagulat sa lalakeng dumating. Nanlamig ang mga kamay ko at nabitawan ang hawak kong kubyertos. Si Ryu na malalim ang mga paghinga at may masamang awra na nakapalibot sa kanya. Nagpalinga-linga siya sa paligid at nang makita niya ako na kasama si Sky ay biglang nagdilim ang buong mukha niya at kaagad na lumapit sa amin at hinila ako patayo mula sa kinauupuan ko. Sobrang higpit nang pagkakahawak niya sa akin na para bang mababali na ang buto ko doon. Napangiwi naman ako sa sakit. Tumayo naman si Sky at matalim na tinignan si Ryu. Nagulat na lang ako nang sipain ni Ryu ang lamesa namin kaya nalaglag, nabasag at natapon ang mga pagkain na inorder ni Sky para sa amin. Napahiyaw ang mga costumers sa loob ng restaurant sa gulat dahil sa ginawa ni Ryu at nabaling na sa amin ang kanilang atensyon. "Hindi ka ba talaga titigil sa pangungulit at pang-aangkin mo sa girlfriend ko? Ano bang gusto mo? Magpatayan tayo dito? Sabihin mo lang at hindi kita uurungang gago ka!" Sigaw ni Ryu na tila naghahamon saka nito tinabig ang isang upuan malapit sa pwesto ko kaya napahiyaw na naman sa gulat ang lahat. Nanginginig at natatakot ako sa Ryu na nakikita ko ngayon. This is not him. My bestfriend Ryu. He's a dangerous beast. Tumawa naman si Sky at pumalakpak ng dalawang beses saka kumuyom ang panga niya at tinignan nang nakangisi si Ryu. "There's nothing wrong on what I'm doing right now, fuckass. Reese is not belong to a selfish and pretender guy like you." Mas lalong nagdilim ang mukha ni Ryu sa sinabi ni Sky. "You moron! Reese is not belong to a desperate guy like you!" Akmang susugurin na ni Ryu si Sky nang napigilan siya ni Jedus. Umiling lang si Sky nagpamulsa. "It's better to be a desperate than to be a selfish and pretend to be an angel with halo and wings." Nagbulung-bulungan na ang mga customer sa restaurant na kanina pa nanonood sa amin at tinitigan ng masama si Ryu. "Sayang si kuya! Gwapo nga pero makasarili pala at mapagpanggap? Kawawa naman si ate." "Aanhin mo naman ang kagwapuhan kung ipipilit mo ang sarili mo sa taong ayaw sa'yo, 'di ba?" "Dapat maging totoo siya sa sarili niya. Nakakagigil kaya ang mga mapagpanggap!" At marami pang ibang mga negative comments akong naririnig na sinasabi ng mga tao patungkol kay Ryu. Ryu look at me with his angry eyes. Naluha ako dahil natatakot na ako sa kanya. "I will punish you for what you have done!" He said to me then he look at Sky again. "Are you talking to yourself, Avenido? Tigilan mo na ang paninira mo sa akin dahil kahit kailan ay hinding-hindi mo sa akin makukuha si Reese! She's mine!" Sabi ni Ryu at kinaladkad na ako papalabas ng restaurant. Ang sakit ng pagkakahawak niya sa akin. Wala siyang pakialam sa paligid kung nasasaktan man ako o hindi sa ginagawa niya. Ibang-iba sa Ryu noon na gentle at iniingatan na huwag akong masaktan man lang. Nang marating na namin ang parking lot ay ipinasok niya ako sa loob ng kotse niya at sinandal ng sobrang diin sa gilid ng kotse. "R-Ryu.." Sabi ko nang naiiyak at nakatitig sa mga mata niyang punong-puno ng galit at selos. Napahiyaw ako sa gulat nang sinuntok niya ng malakas ang bintana ng kotse niya kaya nagdugo kaagad ang kamao niya. He's breathing ragedly at hinawakan nang sobrang higpit ang buhok ko. I yelled again in pain and I cried silently. "You're with him without telling me? Are you going to play games with me, woman?!" Sigaw niya sa mukha ko. Napahagulgol ako sa sobrang takot ko kay Ryu at umiling ng paulit-paulit. "Ryu, hin-" Hinila niya ako papalapit sa kanya at hinalikan ng marahas. Nagpupumiglas ako sa ginagawa niya sa akin pero wala ring nangyayari. "Dahil pasaway ka at sumama ka pa talagang malandi ka sa gagong Sky na 'yon ay kailangan kitang parusahan!" He said huskily while kissing my neck while his two hands are both massaging my breasts under my clothes. Pumikit nalang ako at biglang naalala ang pinagsamahan namin ni Ryu noong mga bata palang kami. "Reese, I don't want anybody to hurt you and I will not hurt you because you are my bestfriend in the whole wide world!" "Mas important ang feelings mo kasi love kita, bestfriend kong amazona." "Hindi bale nang ako ang saktan nila, 'wag lang ikaw, Reese iyakin." "Bakit may sugat ka sa kamay mo? Sino ang gumawa niyan sa'yo? Gamutin natin kaagad at baka maimpeksyon 'yan." "Huwag ka namang umiyak, oh kasi nasasaktan ako kapag nakikita kitang umiiyak." Siguro ay hanggang alaala na lang ang Ryu na minahal ko bilang bestfriend ko. Not this beast in front of me. Goodbye, My Best friend Ryu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD