SKY'S POV
"So, hinayaan mo lang na pahiyain ka ng bestfriend s***h boyfriend ni Reese? What happened to Sky that I knew na hindi nagpapaapi sa kahit na sino?" Tumatawang sabi ni Vince.
I just glared at him pero mas lalo lang siyang natawa sa reaksyon ko at inakbayan ang girlfriend niyang si Serene na halatang kanina pa hindi mapakali dahil sa paghawak sa kanya ni Vince sa iba't-ibang parte ng katawan niya.
Just deal with Vince or you'll be dead, woman.
"He's getting on my nerves. Ang lakas ng loob ng Austin na 'yon para sabihin ang bagay na 'yon sa harapan ng mga kateammates ko. Ako? Hindi ko makukuha si Reese Santillan? Pwes, ipapakita ko sa kanya na lahat ng gusto ko ay nakukuha ko." Tumiim-bagang ako at napahawi sa buhok ko.
Umiling lang si Vince at nakita ko na pasimple niyang hinawakan ang legs ni Serene na ikinatigil ng babae.
His girlfriend looks so tense because of Vince. She's scared of him. Poor girl.
"Ano na naman bang ginawa mo? 'Yung pinagkalat mo sa buong school niyo na girlfriend mo na si Reese kahit hindi naman? Hmm.. that's also a good idea dahil iisipin na ng mga estudyante doon na kayo na talaga pero may naisip pa akong paraan para tuluyan mo na siyang makuha." Then he smirked.
"In what ways? Attempt to rape her again? Ilang beses ko na ngang ginawa 'yon pero palaging hindi naman natutuloy. Siguro ay hindi 'yon effective para makuha ko siya." Sabi ko at hinithit ang hawak kong sigarilyo.
Umiling lang siya ulit. "No. Not that, bro. I will tell you later at sigurado ako na mapapa-oo mo na siya." Paninigurado niya.
Kitang-kita naman sa mukha ng girlfriend niyang si Serene na ayaw niyang matulad si Reese sa sinasapit niya ngayon mula sa mga kamay ni Vince.
Hawak na ni Vince ang lahat sa kanya. Ang sarili niya, ang pamilya niya at ang negosyo nila. May kontrol si Vince do'n dahil kinuha na niya pati ang tiwala ng pamilya ni Serene.
He's evil as heck.
Tumango na lang ako at ininom ang Jack Daniels ko at tumingin ng mariin sa basong iniinuman ko. I like how Vince is controlling the life of his girlfriend pero iba ako sa kanya.
Kung siya ay okay lang na sa kanya si Serene pero hindi naman siya mahal nito pero ako gusto ko na magustuhan ako ni Reese dahil mahal niya ako. I know that I'm so selfish at dinadaan sa dahas ang paraan para lang makuha ko siya pero habang tumatagal ay gusto ko na mahalin niya rin ako sa paraang mahal ko siya.
Sky Avenido is now fell in love with a newcomer. I don't know what magic or spell she did to me but as far I know I woke up one day and I realized that I'm already in love with her and I just only want to see her beautiful face everyday.
She's the only girl that gives me this rollercoaster and unexplainable feelings.
Lumabas muna sandali si Vince sa condo niya kung saan kami nandito dahil may importanteng tatawagan pa raw siya kaya kami na lang ni Serene ang naiwan sa sala.
I look at her, nakayuko ito at nanginginig ang mga kamay niya. May mga maliliit na sugat at pasa rin siya sa braso niya. Vince hurting her not only emotionally but also physically.
"How long will you deal with Vince?" I said and I crossed my arms.
Napalingon naman siya sa akin pero bigla rin itong umiwas ng tingin. "As if I have a choice at mukhang gagaya ka pa sa ginagawa niya sa akin. Kawawa naman si Reese." Mapait na sabi niya.
I chuckled. "May choice ka pa. May gusto ka kay Raven, 'di ba?" I said. Nagulat naman siya sa sinabi ko at namulang bigla.
She's obviously likes Raven and Raven likes her too but the sad part is the evil Vince was all around.
"P-paano mo naman n-nasabi 'yan?" Mautal-utal niyang tanong.
I shrugged. "Because you two are obvious? Tsk! Why do I care about you and him? Eh pareho niyo lang namang pinapahirapan ang mga sarili niyo."
She just sighed at tinignan naman ako ng seryoso. "Ikaw ba Sky, bakit mo rin ba pinapahirapan ang sarili mo? Bakit hindi mo matanggap na hindi mo kayang makuha si Reese? Alam mo, hindi lahat ng bagay ay aayon sa'yo, minsan kasi kailangan mo rin paghirapan 'yon at baka sakaling worth it na makuha mo."
Ako naman ang napahinto sa sinabi ni Serene.
Should I accept that I can't get all what I want just because of her? Should I accept that this one person can change everything to me? Will she definitely change me and my perspectives?
I smiled and took a sip from my drinks.
"Hindi ko pinapahirapan ang sarili ko, Serene dahil alam ko na una pa lang ay sa akin na siya. Kung siya man ang makakapagpabago ng lahat sa akin ay tatanggapin ko 'yon. Makasarili ako pero gusto ko na mahalin niya rin ako sa paraang gusto ko. I'm not you or even Vince na magtitiis sa unwanted love. May paninindigan ako na kaya kong maging makasarili pero magugustuhan niya ang pagiging makasarili ko. I want Reese to love me and I'll do everything para mahalin niya rin ako."
RED'S POV
Ayokong tuluyang magalit sa kapatid kong si Reese pero hindi ko mapigilan. Masyado na talagang napaikot ni Ryu ang utak ng kapatid ko.
Kilala ko ang tunay na pagkatao ng isang Ryusuke Hiroshi. Mapagpanggap siya. Mga bata pa lang sila ni Reese ay nakikita ko na iyon sa mga ikinikilos niya. Iniisip niya na sa kanya si Reese pero hindi, hindi mapapasakanya ang kapatid ko.
Ako lang ang nakakaalam na nalaman ko na isang member ng Yakuza group si Ryu sa Japan. Kaibigan niya 'yung mga lalakeng hapon na nakita namin ni Kuya Reevo sa isang eskinita.
'Yung nakita namin na may binubugbog silang isang lalake, I know that is Warren. Sa tindig pa lang nito ay alam ko na siya iyon kahit madilim sa lugar na iyon at hindi namin nakita ni Kuya Reevo ang buong mukha niya.
He is Reese first love.
Ayokong magkamali o maghinala pero iniisip ko na may kinalaman si Ryu sa pagkamatay ni Warren. Tumutugma ang lahat sa iniisip ko. Kailangan ko pa ng maraming ebidensya at kung tama nga ako sa hinala ko ay kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya kay Warren.
Obsessed na si Ryu sa kapatid ko kaya alam ko na kaya niyang gawin ang bagay na iyon.
Kahit pa ang pumatay ng tao.
Nasa opisina pa rin ako at busy sa pagpirma ng mga papeles nang pumasok ang secretary ko kasama ang lalakeng ayokong maging parte sa buhay ni Reese.
"S-Sir Red, pinapasok ko na po k-kasi ang sabi niya po ay brother-in-law niyo raw po siya." Nauutal na sabi ng secretary ko nang makita niyang sinamaan ko siya ng tingin.
Napapikit na lang ako at tumango. "Sige, makakaalis ka na." Sabay turo ko sa pintuan ng opisina palabas.
Tumango naman ang secretary ko at dalian nang lumabas ng opisina ko. Bumaling ako kay Ryu na nakapamulsa at tinitignan ang kabuuan ng opisina ko.
Kapag kaharap niya si Reese ay para siyang isang anghel na kulang na lang ay magkaroon ng sariling pakpak pero kapag kaming dalawa na lang ang magkaharap ay lumalabas na ang tunay na pagkatao niya.
"Ang laki rin pala ng opisina mo, Red. Siguro kapag naikasal na kami Reese ay mas lalo pa 'tong lalaki." Nakangisi niyang sabi.
Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya kaya kaagad ko siyang nilapitan at kwinelyuhan.
"Anong sabi mo? Kahit kailan ay hindi kayo makakasal ni Reese dahil hindi ako do'n makakapayag! Hindi ko rin kailangan ng pera ng pamilya mo para palakihin 'tong opisina ko dahil hindi ko kailangan ng tulong niyo!" Nanggigigil kong sabi sabay tulak sa kanya.
Napaatras lang siya sa ginawa ko at ngumiti ito. "Ikaw ba ang magdedesisyon para sa future ni Reese? Hindi naman, 'di ba? At isa pa Red, sa ayaw at sa gusto mo ay kailangan ng pamilya mo ang pera ng pamilya namin. Kung hindi ay baka sa kangkungan na kayo pupulutin." He laugh.
Pinigilan kong huwag siyang suntukin sa galit at inis ko sa kanya dahil ayoko na magkagulo pa kami dito sa opisina ko.
"Kapatid ako ni Reese kaya may karapatan akong magdesisyon sa kung sino ang makakatuluyan niya at sisiguraduhin ko na hindi ikaw 'yon. At sabi ko nga ay hindi namin kailangan ang pera ng pamilya mo. Hindi bale nang maghirap kami basta ay hindi lang kayo makasal ni Reese!" madiin kong sabi. He greeted his teeth at natahimik ito.
It's my turn to speak again. "And I don't want my younger sister to marry a killer."
Ryu frozed on what I said.
I'm right. My instinct is right.